Timothy Tan hopes to get "favorable and reasonable agreement" with Sunshine Dizon

IMAGE Mark Atienza

Muling nagkita si Timothy Tan at estranged wife nitong si Sunshine Dizon sa Quezon City Regional Trial Court ngayong araw, August 10. Dumating din ang napapabalitang third party sa kanilang hiwalayan na si Clarisma Sison para sa preliminary hearing ng concubinage complaint na inihain ni Sunshine.


Bago pa man ang paghaharap nila sa korte kaninang hapon, August 10, kumalat ang balitang maghahayag daw ang kampo ni Timothy Tan na nais na nilang makipag-ayos sa estranged wife nitong si Sunshine Dizon.

Ngunit sa panayam ng media kay Atty. Peter Sanchez, ang isa sa mga abugado ni Timothy, hindi nito kinumpirma o pinabulaanan ang balita.

Sabi niya, “No, I cannot divulge that. We will declare something later pag patapos na.”

Pagktapos ng preliminary hearing, kung saan hiniling ng kampo ni Timothy na i-reset ang pagdinig, sinabi ng isa pang abugado ni Timothy na si Atty. Ruth Castelo na “regular procedure” lang ang nangyari sa opisina ni Senior Assistant City Prosecutor Fabinda delos Santos ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC).

Dagdag naman ni Atty. Sanchez, “Nag-reset lang kami.

“May mga developments na pag-uusapan. So, nag-extend lang kami.”

Ibig bang sabihin nito, hindi sila handa sa pagdinig?

Paglilinaw ng abugado ni Timothy, “May ano lang… hindi [naman], meron lang mga developments.”

Read: Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court for the first time

Read: Sunshine Dizon on Clarisma Sison: 'I will not dignify her with anything because she's too low for me."

HOPING FOR FAVORABLE AGREEMENT. Pinilit pa rin ng media na makahingi ng iba pang importanteng detalye mula kay Timothy, ngunit si Atty. Castelo muli ang nagbigay ng pahayag.

Saad niya, “Okay naman, all is well that ends well.

“We, of course, expect and hope that we will get a reasonable and acceptable agreement between the parties.

“Silang dalawa, of course they will decide. Hindi lang naman lawyers ang nagdedesisyon para sa parties.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN