Sunshine Dizon on husband Timothy Tan: "Hindi na ako galit. Minsan, naaawa na lang ako."

IMAGE Mark Atienza

Sunshine Dizon on her refusal to give annulment: "No, I will not give them that. Siguro, the most I can give is legal separation. Pero annulment, no, never. Why would I give them the happiness to be together, di ba? They should pay for it."


Sa kabila ng pagsasampa ni Sunshine Dizon ng reklamo laban sa asawa at kalaguyo nito, civil na raw ang pakikitungo niya ngayon sa kanyang estranged husband na si Timothy Tan para na rin sa kanilang dalawang anak.

Nakikita na rin daw ni Tim ang mga anak nila.

Sabi ni Sunshine, “Sinusundo niya sa bahay.

“You know, I’m trying my best to be civil with my husband dahil kahit anong gawin natin, tatay pa rin siya ng mga anak ko.

“And I will not show my children naman na disrespecting their father despite of what happened.”

Alam din daw ng dalawa niyang anak ang nangyayari sa kanila ni Timothy.

“From the very start, my children know everything.

“I never lied to them, alam ng mga anak ko.”

Ginagawa raw ni Sunshine ang lahat ng ito para sa kanyang mga anak.

“For my children and for them to understand na you just don’t bend down kung may mali.

“Ituwid ang mali, di ba? Ang kapatawaran, that will come.

“We’ll see kung ano ang dapat nilang gawin, pero as of now, I did my best, I fought for my right.

“Kasi, they don’t want to have regret din in the end.

“Na bakit hindi ko dinemanda, bakit wala kang ginawa, bakit umupo ka lang.

“Yun nga, ilaban natin kung ano ang tama.

“Basta alam mong nasa tama ka, ilaban mo.”

FORGIVENESS. Pero kaya ba niyang patawarin ang asawa?

Tugon ni Sunshine, “He will always be the father of my children.

“But forgiveness, that is something that, you know… I don’t know, I don’t know pa.”

Galit na lang ba ang nararamdaman niya para sa asawa?

“Yung totoo, wala na akong nararamdaman.

“Hindi ko alam, hindi na ako galit.

“Minsan, naaawa na lang ako.”

Kumusta siya sa pamilya ni Timothy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman, nag-uusap pa rin naman.”

Suportado ba siya ng pamilya ng kanyang mister sa pagsasampa niya ng kaso laban dito?

Sabi ni Sunshine, “Well, not necessarily suportado in the sense... kumbaga, nilalagay lang nila sa tama.

“Hindi naman nila kinukunsinti yung mali.”

Si Clarisma Sison, kaya niyang patawarin?

“Diyos na lang ang bahala sa kanya,” may diing sagot ni Sunshine.

Kung sakaling humingi ng kapatawaran at umamin sa kanya sina Timothy at Clarisma, iurrong ba niya ang kaso sa mga ito?

Sagot ni Sunshine, “Hindi ko pa talaga kayang sagutin for now, walang kasiguraduhan.

“Kumbaga, tao lang din naman ako, hindi naman ako bato, di ba?

“Kung Diyos nga marunong magpatawad.

“But, we’ll see, depende na ‘yan kung ano ang dapat.”

NO ANNULMENT. Ngunit pagdating sa usapin ng annulment, sigurado raw si Sunshine na hindi niya ito ipagkakaloob.

“No, I will not give them that.

“Siguro, the most I can give is legal separation. Pero annulment, no, never.

“Why would I give them the happiness to be together, di ba? They should pay for it.

“Some people nga are saying na parang naghahabol pa ako, no.

“No, no, no, that’s not true.

“Kung gusto ko pang makipagbalikan sa asawa ko, sana hindi ko siya idinemanda.”

Sa isang banda, nagpasalamat naman si Sunshine sa suportang natatanggap niya mula sa iba’t ibang grupo.

“Nakakataba ng puso siyempre na maraming nandiyan para sa ‘yo, kahit hindi mo sila kaanu-ano, kahit hindi mo sila kakilala and, you know, to also give them inspiration on how to go about if they’re going through something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN