Ai-Ai delas Alas on wedding plans with Gerald Sibayan: "Matagal pa. Siguro mga five years pa."

IMAGE Noel Orsal

"Sa totoong buhay lang, hayaan natin si Lord na mag-decide kung saan at kung kailan Niya ako ipapakasal kay Darling," said Ai-Ai delas Alas when asked about wedding plans with non-showbiz boyfriend Gerald Sibayan.


Wala nang legal na hadlang sakaling gustuhin ni Ai-Ai delas Alas, 51, na magpakasal sa non-showbiz boyfriend niyang si Gerald Sibayan, 22.

Ito ay sa kadahilanang kinilala na ng korte dito sa Pilipinas ang divorce ng Kapuso star at ng dating mister nitong si Jed Sibayan.

Matatandaang nagpakasal sina Ai-Ai at Jed sa Las Vegas, Nevada, noong April 3, 2013.

Ngunit pagkatapos lamang ng 29 na araw ay naghiwalay rin ang dalawa, dahil sa pambababae at pisikal na pananakit diumano ni Jed kay Ai-Ai.

DIVORCED. Paliwanag ni Ai-Ai tungkol sa kanyang civil status, “Actually, noon ko pa ito in-explain na two years na akong divorced [sa U.S.].

“Pero, di ba, wala tayong divorce dito? And Filipina ako, so yung ex-husband ko lang ang divorced.

“Kailangan pa ng recognition ng divorce decree dito sa Pilipinas.

“So, yun yung [isinumite] ko na petition. Yun yung nag-grant [ng Philippine court] na for me to remarry.”

Nakapanayam si Ai-Ai ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Jet 7 Bistro sa Quezon City, ngayong Miyerkules ng tanghali, August 10.

Ito ay para sa back-to-back concert nina Ai-Ai at Lani Misalucha, ang Ai Meets Lani: Lani May Ai? na gaganapin sa Kia Theater sa September 17.

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Ai-Ai, inamin niyang ninerbyos siya habang hinihintay ang resolusyon ng korte sa kanyang petisyon.

Kuwento niya, “Almost two years din akong naghintay. Nung una kinakabahan ako kasi baka hindi i-grant.

“Pero sabi ko nga, in God’s time, si Lord lang makakaalam.

“Isa ito sa mga sagot Niya sa panalangin ko na maging maayos na yung single life ko.”

WEDDING PLANS. Handa na ba siyang magpakasal ulit?

Sagot ni Ai Ai, “Hindi pa ngayon. Matagal pa. Siguro mga five years pa.

“Depende. Sa totoong buhay lang, hayaan natin si Lord na mag-decide kung saan at kung kailan Niya ako ipapakasal kay Darling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw ng comedienne na matatag na talaga ang relasyon nila ng nobyong si Gerald bago nila pasukin ang isang lifetime commitment.

“Always remember that marriage and love is a commitment.

“Kunyari dumating yung panahon na siya na nga [yung the one]… Kapag kasal na kayo, hindi puwedeng ayaw mo na.

“It’s a commitment. It’s a bond na sinabi niyo sa Panginoon na magsasama kayo habang-buhay.”

Sa ngayon ay humigit-kumulang dalawang taon nang magkarelasyon si Ai-Ai at ang kanyang non-showbiz boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN