Kean Cipriano clarifies throwing microphone during a gig

IMAGE Mark Atienza

Kean Cipriano on issue accusing him of throwing a microphone because of tech problem: "Parang ang weird nang nakuha ko yung balita, na siyempre sa Internet… ibang usapan sa Internet, e. Ang dali-daling mag-comment, ang daling magsalita. Nagulat lang ako na may lumabas na ganun."


Nilinaw ni Kean Cipriano ang kumalat na isyung may binato raw siyang microphone sa isang show ng kanyang banda dahil nagkaroon ng technical problems sa sound system.

Nangyari raw ito sa campus tour ng Calla Lily na ginanap sa National University kamakailan.

Nagulat si Kean nang nakarating sa kanya ang naturang balita.

Wala raw nangyaring pagbabato ng mic o kahit nalaglag man lang ito.

Ayon sa singer-actor, “Malamang na-misinterpret lang nung tao yung show.

“Kasi ganun ako mag-show, e.

“Ganun talaga ako mag-show, parang baliw-baliw kami gumalaw, e.

“Rock n’ roll, e, parang na-misinterpret nila.

“Pasensiya na kung na-misinterpret nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead vocalist ng Calla Lily sa premiere ng pelikulang That Thing Called Tanga Na, na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall, kagabi, August 9.

Ipinakita pa sa amin ni Kean ang ilang litrato ng mga performance niya kung saan iniitsa niya ang mikropono at sinasalo ito bago siya kumanta.

Ginawa rin niya ito sa show nila sa National University, ngunit wala raw ibinato o nalaglag na mikropono.

“Walang nangyari na nalaglag yung mic. Walang nalaglag.

“Matagal na akong tumutugtog, e.

“So, lahat na nakasalamuha at nakasama ko, nirerespeto ko na ibinibigay sa lahat. Hindi para manadya o manira.

“Alam ko kung gaano kahalaga ang bawat instrument, e.

“Ako mismo, maingat ako sa mga gamit ko, pero parte yun ng show.

“Ako, pag nag-show ako, hindi ‘yan nalalayo sa kung paano ko iniitsa yung mic para parte ng show.

“Kumbaga, act ko yun, e. Kumbaga, style ko ‘yan since bata ako.

“Saluhin ko yung mic, kakanta ako.”

MISINTERPRETED. Totoong nagkaroon ng technical problems sa sound system, pero hindi naman daw dahilan yun para magwala siya o ibato ang mic.

Sabi ni Kean, “May technical problems talaga, sa simula pa lang.

“Sa unang banda pa lang... maraming banda yun, e. Kaya kailangan naming bumaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan naming ihinto yung show for awhile kasi may inaayos silang technical problems.”

Nagtataka lang siya kung bakit ginawa pa itong isyu ng nag-post sa Facebook.

“Parang ang weird nang nakuha ko yung balita, na siyempre sa Internet… ibang usapan sa Internet, e.

“Ang dali-daling mag-comment, ang daling magsalita.

“Nagulat lang ako na may lumabas na ganun.

“Kaya para sa akin, I don’t wanna take against dun sa person, kasi siyempre wala naman akong masamang tinapay.

“Pero kung na-misinterpret, pasensiya na. Pero kumbaga, ganun talaga ako mag-show ever since.”

Diin pa ni Kean, “Hindi ako naninira ng gamit. Alam ko kung gaano kahalaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN