KC Concepcion's half-sister Cloie Syquia-Skarne is a finalist in Miss Universe-Sweden 2016

IMAGE Instagram (@cloiesyquia)

Cloie Syquia-Skarne, half-sister of KC Concepcion, is preparing for the upcoming Miss Universe-Sweden 2016 wherein she is one of the finalists.


Puspusan ang paghahanda ng nakababatang kapatid ni KC Concepcion na si Cloie Syquia Skarne para sa Miss Universe-Sweden 2016 sa Stockholm, Sweden, sa August 28.

Si Cloie ay anak ni Gabby Concepcion sa dating actress-model na si Jenny Syquia.

Isa si Cloie sa mga kandidata ng nasabing pageant, kung saan ang magwawagi ang siyang magiging representative ng Sweden sa Miss Universe 2016 na gaganapin dito sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Batay sa mga post ni Cloie, gayundin ng kanyang ate na si KC, nasa Pilipinas ngayon ang beauty-queen aspirant.

Nag-post pa si Cloie ng kanyang mga paghahanda para sa nasabing pageant.

???????????? Finally with these two again! #lunch #manila #sisters @thisiskcconcepcion @garie_concepcion

A photo posted by Cloie Syquia Skarne (@cloiesyquia) on

Sa kanyang Instagram account, nagpahayag ng excitement si Cloie sa sasalihang pageant at pagkakaroon ng pictorials.

Sa recent Instagram post naman ni KC, makikita ang magkapatid habang nag-eehersisyo upang maging fit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN