Angel Locsin deletes photos of ex-boyfriend Luis Manzano from her Instagram

IMAGE @therealangellocsin Instagram

Angel Locsin deletes all photos of ex-boyfriend Luis Manzano from her Instagram account. 


Binura na ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account ang lahat ng larawan nila ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Ang paglilinis ni Angel ng kanyang social media account ay napansin ng kanyang Instagram followers kahapon, August 10.



Kabilang sa mga dinelete ni Angel ang larawan nila ni Luis na kuha nung dumalo sila ng Philippine Fashion Ball noong 2015.


IMAGE: @therealangellocsin Instagram

Napansin din ng Instagram fans ni Angel na burado na pati ang mga larawan nang magpunta ang ex-couple sa U.S. noong December 2015.


Unang naging magkasintahan sina Angel at Luis noong 2007, ngunit nauwi ito sa hiwalayan sa hindi malamang dahilan noong 2009.

Nagkabalikan ang dalawa noong 2014, ngunit muling naghiwalay bandang umpisa ng taong 2016.

Walang tuwirang pahayag sina Angel at Luis tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN