Sharon Cuneta to unveil her 'sexy figure' on grand finals of The Voice Kids

IMAGE Sharon's Facebook/KC's Instagram

Sharon Cuneta promises a slimmer figure on the grand finals of The Voice Kids Season 3. Left pic is Sharon's photo two months ago, while the right photo is posted by daughter KC Concepcion last August 2 when they watched a movie.


Sunud-sunod ang Facebook posts ni Sharon Cuneta tungkol sa kanyang pagpayat.

Paniniyak ng Megastar, makikita ang kanyang mas payat na figure sa grand finals ng The Voice Kids Season 3 sa last weekend ng August.

Coach si Sharon sa nasabing reality-based kiddie singing competition, kasama sina Lea Salonga at Bamboo.

August 7, Linggo, nang unang mag-post si Sharon ng kanyang larawan na kinunan dalawang buwan na ang nakalilipas.

“Do you think I gained or lost weight since? Secret! Hulaan na lang po natin kung siya ba ay muling tumaba or pumayat mula noong kinunan ang picture na ito?!!!” caption ng Megastar sa kanyang post.

Nitong August 10, isang follower ni Sharon ang nagkomento sa isang Facebook post ng singer-actress.

Sabi ng netizen, excited na silang makita kung gaano kalaki ang ipinayat ng kanilang idolo.

Sumagot dito si Sharon at ibinahagi pa ang reaksiyon ni Olivia Lamasan nang ipadala ng Megastar ang kanyang latest picture sa direktor.

Bahagi ng comment ni Sharon: “First time in one hundred years ko narinig ko uli kay Direk Olive Lamasan when I sent her the pics ang ‘Wow Anak! Sexy ka na!’”


Isa pang testimonya ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules, kung saan ibinahagi niya ang pakikipagpalitan ng komento sa isang kaibigan/album producer na sinabing nalaglag ang panga nito nang makita ang latest picture ng Kapamilya star.

Sinabihan din ni Sharon ang nasabing kaibigan na: “Ako forced-feeding na, nasanay na ako enemy ko ngayon ang food!”

Sa sumunod pang post ni Sharon, ipinaalala niya na ang kanyang bagong figure ay mapapanood sa grand finals ng The Voice Kids sa last weekend ng Agosto.

Ang mga natitira pang episodes ng show na mapapanood bago ang grand finals ay matagal nang taped, kung kaya’t mataba pa siya rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN