Brother of Mayor Herbert Bautista allegedly tested positive for drug use

IMAGE Hero Bautista on Facebook

Nag-positibo diumano si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista (nasa larawan) sa drug test na isinagawa sa mga opisyales ng Quezon City. Ngunit hindi pa nagsasalita ang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa isyu.


Ilang araw nang kumakalat sa social media at tabloids na diumano'y nag-positibo sa paggamit ng marijuana at shabu ang aktor at Quezon City 4th District councilor na si Hero Bautista.

Si Hero ay nakababatang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Dalawang linggo na raw ang nakararaan nang isinagawa ang drug test sa mga opisyales ng Quezon City, alinsunod na rin sa drug-free workplace ordinance ng lungsod.

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, August 11, sinabi ng tagapagsalita ni Hero na si city administrator Alvin Cuna na naunahan ang konsehal ng panghuhusga.

Kumalat daw kaagad sa social media ang naturang alegasyon kahit wala pang kumpirmasyon mula sa naatasang ahensiya ng gobyerno na nagsagawa ng test.

Sasagutin daw niya ang lahat sa kanyang inihandang privilege speech sa konseho ng Quezon City sa Lunes, August 15.

Nasaktan daw ang kapatid ni Hero na si Mayor Herbert sa mga akusasyong laganap ang paggamit ng ilegal na droga sa kanyang lungsod.

Sa ulat naman ng The Philippine Star, inamin diumano ni Mayor Herbert sa isang executive meeting noong August 10 na ang kapatid nga niyang si Hero ang napabalitang opisyal ng lungsod na nag-positibo sa drug test.

Sinabi pa raw niya na handa na siyang ipasok si Hero sa isang rehabilitation center.

Pero dagdag sa ulat, hindi ito inamin o itinanggi ni Mayor Herbert nang matanong tungkol sa kanyang pag-amin diumano sa naturang executive meeting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN