Buhay Party-List Rep. Lito Atienza saddened by Pacquiao's stand on death penalty

IMAGE Lito Atienza Facebook page

Ikinalulungkot daw ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza ang pagsusulong ni Sen. Manny Pacquiao sa death penalty, gayong pro-life daw nooon ang Pambansang Kamao. Pahayag ni Atienza, "If you are a pro-lifer, you cannot accept death penalty if you really believe in what you have already fought for."


Hindi itinago ni Buhay Party-List House Representative Lito Atienza ang tampo niya sa Pinoy boxing champ at newly-elected senator na si Manny Pacquiao dahil sa masugid na pagsusulong nito na ibalik ang death penalty.

Si Atienza ang itinuturing na second father ni Pacquiao noong struggling boxer pa ito, at malaki ang naitulong niya sa boxing career ng Pambansang Kamao.

Dating pro-life si Pacquiao kaya marami ang nagulat sa kanyang panukalang ibalik ang death penalty nang mahalal siyang senador.

Ikinalungkot ito nang husto ni Atienza dahil nakita nito ang malaking pagbabago sa ugali ng Filipino boxing champ.

Saad ng dating Manila mayor, “Matatawag mo na rin na pagtatampo dahil nagbago na, e.

“Nagbago ka, hindi maganda ‘yan.

“Marami ang naniwala sa ‘yo, marami pa rin ang naniniwala sa ‘yo.

“Huwag mong babaguhin yung impression sa ‘yo.

“If you are a pro-lifer, you cannot accept death penalty if you really believe in what you have already fought for, and people believe you, at ito ang mensahe ko sa kanya.”

Inamin din ni Atienza na matagal na silang hindi nagkakausap ni Pacquiao.

Saad niya, “Hindi kami nag-aaway. Hindi kami mag-aaway niyan.

“Pero I have a piece of advice for him.

“Huwag mong baguhin ang iyong prinsipyo at paniniwala sa buhay ng bawat nilalang na ngayon, e, nandoon ka na sa tagumpay ng pulitika, lalo na maraming tao ngayon ang tumitingin sa ‘yo, naniniwala sa ‘yo.

“I’m very, very sorry for that now that Pacquiao seems to be developing his own direction and thinking on that matter dahil malapit siya sa akin.

“Dati, madalas ko siya makausap.

“Somehow, para siyang salamin ni Lito Atienza dahil madalas kaming mag-usap.

“Ngayon, hindi ko na masyadong nakakausap. Busy siya, busy ako.

“But I still appeal to him, give it a second thought.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN