Liza Diño is new FDCP chairman; Aiza Seguerra accepts appointment as NYC chairperson

IMAGE Mark Atienza

Liza Diño and Aiza Seguerra are among the showbiz personalities who have been given positions in the Rodrigo Duterte administration. On his presidential appointment as National Youth Commission chairman, Aiza said: "Hopefully, sa bagong chapter ng buhay ko, serving our government and the Filipino people, sana yung suporta niyo ganun pa rin." Actress Liza is named FDCP chairman.


Pagkatapos maitalaga si Aiza Seguerra bilang chairperson ng National Youth Commission, ang partner naman niyang si Liza Dino ang naitalagang incoming chairman ng Film Development Council of The Philippines (FDCP).

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual sa ABS-CBN News Online, si Presidential Spokesman Ernesto Abella ang nagkumpirma ng pagtalaga kay Liza bilang pinuno ng FDCP.

Si Briccio Santos ang outgoing chairman ng FDCP.

Hindi kaila sa publiko na kabilang sina Liza at Aiza sa showbiz personalities na todo ang ibinigay na suporta kay Presidente Duterte noong May 2016 elections.

AIZA AS NYC CHAIRPERSON. Samantala, handa na si Aiza na harapin ang responsibilidad bilang incoming chairman ng National Youth Commission (NYC).

“Thank you for the support. Suporta na ever since noon ibinigay niyo sa akin,” pahayag ni Aiza, base sa panayam ni MJ Marfori ng Aksyon TV ngayong Biyernes, Agosto 12.

Dito ay humingi si Aiza ng suporta mula sa kanyang masugid na tagasubaybay, lalo na ngayong panibagong hamon ang susuungin niya.

Sabi pa ng beteranong singer, “Hopefully, sa bagong chapter ng buhay ko, serving our government and the Filipino people, sana yung suporta niyo ganun pa rin.

“Sana yung mga mangyayari para sa mga kabataan sa mga susunod na taon, sana yung suporta nila nandun pa rin.”

PRESIDENTIAL APPOINTMENT. Sa Twitter post ng PTV4, Biyernes ng umaga, Agosto 12, nakasaad na tatlong taon ang termino ni Aiza bilang chairman ng NYC.

Mismong ang outgoing NYC chairman na si Earl Saavedra ang nag-anunsiyo tungkol sa pagtalaga kay Aiza bilang bagong pinuno ng youth commission.

Kaugnay ito ng ginanap na NYC convention sa Quezon City ngayong Biyernes.

Ilan pa sa celebrity supporters ni Presidente Duterte na nabigyan ng pagkakataong magbigay ng serbisyo-publiko ay sina Arnell Ignacio, Ramon Jacinto, at Freddie Aguilar.

Read: Arnell Ignacio appointed as AVP for Community Relations for PAGCOR

Read: Freddie Aguilar appointed as new NCCA commissioner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN