Louise delos Reyes keeps her relationship low key

IMAGE Reielle Deslate

Louise delos Reyes: "Since I started, parang kadikit ko palagi love life, e. So, parang this time naman, I want na mas makilala ako more than the love life. I want to share more of myself or my work, to talk about it."


Iwas pa ring magbigay ng pahayag si Louise delos Reyes tungkol sa kanyang love life.

Ito ay sa kabila ng usap-usapang sila na ni Champ Lui-Pio, vocalist ng bandang Hale.

“Siguro rather than love life, my personal life na lang!” natatawang sagot ng Kapuso actress nang subukang tanungin ang tungkol sa kanyang love life.

Dagdag pa ni Louise, “My personal life is super happy. I’m super happy.”

Ang personal life niya na may konek sa kanyang love life?

“Konek-konek na po lahat, e,” diin ni Louise.

Bakit tila malihim siya ngayon tungkol sa love life, hindi tulad dati na open book ang naging relasyon nila ni Enzo Pineda?

Paliwanag ni Louise, “Parang kasi, since I started, parang kadikit ko palagi love life, e.

“So, parang this time naman, I want na mas makilala ako more than the love life.

“I want to share more of myself or my work, to talk about it.

“And ang love life naman, nandiyan ‘yan, e.

“He understands your work, you don’t need to brag about it or post about it.

“Basta ang importante naman, masaya kayo.”

SECRET RELATIONSHIP? Paano ire-rate ni Louise ang kaligayahan niya ngayon?

“99.9 percent!” bulalas niya.

So, mayroon siyang lovelife, pero ayaw lang niyang pag-usapan at idetalye?

“Meron naman, meron naman,” pag-amin ng Magkaibang Mundo lead actress.

Payag ang guy sa set-up nila ngayon na secret o patago?

Paglilinaw ni Louise, “Hindi naman po, kasi parang mas okay na rin na mas tahimik ka with your personal life.

“Para hindi nakatingin sa inyo ang mga mata.

“And, iyon nga po, parang what’s more important is kung ano yung sa inyong dalawa, kasi kayo yung may relationship.

“And for me po, ha, parang hangga’t hindi kayo kasal, parang okay.

“Kasi you have your own personal life and you have your own space, you have your own work to talk about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think, ganun din yung naiisip niya.”

Malayo pa rin daw sila sa level ng pag-uusap tungkol sa kasal.

“Ako ngayon, andiyan siya, I’m here for him.

“But mas gusto ko talagang ma-discover yung sarili ko, and he’s letting me be kaya happy po talaga ako.

“Like, I have a new set of friends, ang dami kong nakikilala from the advertising side.

“Kasi pag pumupunta po ako ng events as a blogger and online influencer, so ang dami kong nakikilala, ang dami kong natututunan sa iba’t ibang tao, which I really like.”

May blog si Louise, ang loudelosreyes.com.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa pocket interview nilang dalawa ni Juancho Trivino para sa GMA fantaserye na Magkaibang Mundo, sa Studio 7 ng GMA Network Center, noong nakaraang linggo.

MISS INDEPENDENT. Sa hiwalay na panayam ng PEP, naikuwento ni Juancho na walang driver si Louise.

Hindi ba mahirap, lalo pa’t babae siya? Paano kapag madaling-araw na natatapos ang taping nila?

Saad ni Louise, “Ngayon po nagpapa-service po ako sa production.

“Pero ako kasi, I love driving, e! Parang there’s something sa driving na sobrang natutuwa ako.

“Parang kunyari, kahit antok na antok na ako, tapos sinabi na sa akin, ‘O, pack-up!’ tapos sasakay na ako sa sasakyan, gising na ulit ako.”

Gusto niyang nagmamaneho kahit matindi ang problema sa traffic sa Metro Manila?

“Iyon lang po, medyo nababaliw ako minsan kasi sobrang traffic.”

Ayon pa rin sa kuwento ni Juancho, wala rin daw PA o personal assistant si Louise.

Ngunit sabi ng aktres, “Ngayon po meron na, pero more on yaya ng aso ko!”

Bakit mas gusto niyang mag-isa?

“Parang nasanay po ako na ako lang talagang mag-isa.”

Dati ay solo rin siyang namumuhay sa condo unit, kailan lamang siya nagkaroon ng kasamang PA sa tinitirhan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto niya na solo siya?

Sagot ni Louise, “Opo, kasi parang you have your own time, you have your own space.

“Parang when you’re alone, parang you can do anything; puwedeng hindi ka kumain, puwedeng matulog ka all day, puwede kang manood ng TV, puwedeng ito lang ang pagkain mo.

“Pero parang when you’re with someone, parang kailangan mo siyang isipin, kung anong kakainin niya, kung anong… yung parang ang dami mong iisipin.”

Hindi ba siya nalulungkot na mag-isa?

Tugon ng 22-year-old actress, “Hindi po, hindi naman po.

“Well, nung lumipat po ako sa Fort… kasi I came from Eastwood na maingay.

“Sa Fort kasi medyo chill yung mga tao, so nalungkot ako, kaya I got him,” pagtukoy ni Louise sa pet dog niya.

“Ibnigay siya ng friend ko.

“So, parang okay lang, tahimik lang.

“Kasi mas gusto ko na tahimik, parang ang gulo na kasi ng trabaho ko.

“Parang whenever I’m at work, ang dami nang tao.

“So I need my own space, my own parang… para bumalik yung sanity ko!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN