Juancho Triviño on tsismis: "Pare-parehas lang naman silang nakaka-stress."

IMAGE Reielle Deslate

Juancho Triviño says he's ready for anything, including a steamy gay role if it comes his way. "Sa akin, wala, iyon, it's art for me, it's nothing malicious. Trabaho naman yun, wala namang malisya yun."

 


Pumayat at mas lalong gumanda ang katawan ni Juancho Trivino.

Handa na raw siya kung sakaling pararampahin siya nang shirtless sa Cosmo Bachelor Bash.

Ang siste, hindi pa sigurado kung may Cosmo Bash ngayong taon.

“Iyon yung plan, pero I don’t think may Cosmo Bash, e, hindi ako sigurado, ha?

“Kasi siyempre pinaghahandaan nang matagal 'yan.

“Ready ako, kung meron, sasabak ako, pero kung wala e di next year."

Kung sabagay, hindi lang naman daw para sa taunang event ng Cosmopolitan magazine ang pagpapaganda ng katawan niya.

“Ang target ko talaga is to be ready for anything, hindi ako magpapaganda ng katawan for Cosmo lang.

“For my career ’tsaka para sa kinabukasan ko, generally, for health reasons.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa pocket presscon nila ni Louise delos Reyes na ginanap sa GMA Network Center nitong Huwebes, August 4, para sa teleserye nilang Magkaibang Mundo.

SHOWBIZ INTRIGUES. May intriga na ba siyang hinarap sa buong showbiz career niya na pinakanaapektuhan si Juancho?

“Wala naman, pare-parehas lang naman silang nakaka-stress,” at tumawa ang hunky Kapuso actor.

“Pero kasi kapag tuluyan mong inisip, maaapektuhan ka kahit alam mo naman na hindi totoo.

“At wala, walang mangyayari sa iyo kung pansinin mo nang pansinin.

“Kahit sa ordinaryong tao, iyang mga tsismis-tsismis na iyan, it doesn’t do any good for us, e.”

Bida si Juancho sa Magkaibang Mundo. Kung sa next project niya ay supporting role ang ibigay sa kanya, ikalulungkot ba niya iyon?

“Hindi naman ako mada-down, it’s still work, every role is a big role for me.

“Anumang role iyan tatanggapin ko, alam naman ng GMA kung ano ang makakabuti para sa akin at ang kakayanan ko sa anumang ibigay nila.

“Okay, fine, pagbubutihan ko, ibibigay ko yung best ko and every thing so ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN