Maricris Garcia happy for friend Aicelle Santos's love life

Maricris Garcia feels happy about her good friend Aicelle Santos's love life: "I'm very happy for Aicelle. Matagal ko nang wish na matagpuan na niya si Mr. Right. At ayan siya. Pareho na kaming may mga partners sa buhay."


Kung meron mang nangunguna sa pagiging masaya dahil sa makulay na lovelife ngayon ni Traffic Diva Aicelle Santos, ito ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Maricris Garcia.

Sa interview ni Maricris sa GMA-7, sinabi nitong masayang-masaya siya para kay Aicelle dahil natagpuan na nito ang kanyang Mr. Right sa katauhan ng GMA News Correspondent na si Mark Zambrano.

Noon pa raw ipinagdarasal ng Kapuso singer na magkaroon na ng lovelife si Aicelle dahil ito ang magiging maid of honor niya sa kanyang magiging kasal sa January 2017.

Ikakasal si Maricris sa kanyang non-showbiz boyfriend na si TJ Cruz, at gusto niyang may ka-partner na si Aicelle sa araw na iyon.

HAPPY FOR HER FRIEND. Kinikilig nga si Maricris tuwing nakikita niya ang post ng dalawa sa Instagram.

“In love na in love. Sobrang in love na in love,” paglarawan niya sa magkarelasyon na Aicelle at Mark or AiMark.

“Sabi ko nga, ayaw kong kasama siya na nandiyan si Mark, kasi hindi ko na siya makausap.

“Hindi kami makapag-chikahan!” tawa pa ni Maricris.

Para nga raw mga teenagers ang AiMark couple dahil bukod sa mga pinu-post nilang mga photos sa Instagram, pati mga conversations nila sa Twitter ay cute din.

“Para silang high school! Parang mga bata!

“Nakakatuwa naman na makitang masaya sila.

“I'm very happy for Aicelle.

“Matagal ko nang wish na matagpuan na niya si Mr. Right. At ayan siya. Pareho na kaming may mga partners sa buhay.”

FOLLOWING AICELLE'S LOVE STORY. Parang teleserye raw na sinusundan ni Maricris ang love story ng dalawa sa social media.

Biniro pa nito si Aicelle na baka mas mauna pa raw silang magpakasal kesa sa kanya.

“Inaasar ko siya lagi na baka mauna pa siya sa akin.

“Sabi niya, 'Naku, hindi pa ako ready.'

“Ako naman, 'Sus!' Baka nga ako pa maging matron of honor nila!” natatawang pagtapos pa ni Maricris Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling napanood si Maricris sa teleseryeng MariMar. Kasalukuyang may tinatapos siyang bagong album sa ilalim ng GMA Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN