Olympic swimming champ Joseph Schooling's nanny is a Filipina

IMAGE Courtesy of The Straits Times

Olympic swimming champion Joseph Schooling on his Filipina nanny: "Auntie Yolly is like a second mom to me. As a kid, she's always the easiest to handle. She's the one who always takes care of me at home."


Ipinagbubunyi ng mga Singaporean ang tagumpay ni Joseph Schooling sa 2016 Rio Olympics.

Si Schooling ang nanalo noong Biyernes (Saturday morning Philippine time) ng gold medal sa 100-meter butterfly category, kung saan tinalo niya ang inaasahang winner, ang American swimmer na si Michael Phelps.

It's been a busy exam week but t-minus 48 hours till I'm free ????

A photo posted by Joseph Schooling (@josephschooling) on

Hindi lamang ang mga Singaporean ang maligayang-maligaya sa tagumpay ni Schooling sa Rio Olympics

Ipinagbubunyi rin siya ng mga Pilipino dahil isang Pilipina ang nagpalaki sa kanya, si Nanny Auntie Yolly.

Sina Schooling at Auntie Yolly ang mga bida sa video ng telecommunications company na SingTel na inilabas noong nakaraang taon dahil binigyan nila ng sorpresa ang Filipina nanny na nag-alaga kay Schooling mula pagkabata.

Sa naturang video, ikinuwento ni Auntie Yolly na parang anak na rin ang trato niya kay Joseph.

“I’ve known him for nineteen years.

“He’s a very loving, caring, sweet boy. I cried a lot when he left for the U.S. coz most of the days, we are together,” ani Auntie Yolly.

LIKE A SECOND MOM. Pangalawang ina naman ang turing ni Schooling kay Auntie Yolly na madalas magluto ng kanyang paboritong pagkain, ang pineapple curry.

“Auntie Yolly is like a second mom to me.

“As a kid, she’s always the easiest to handle.

“She’s the one who always takes care of me at home.

“She cooks for me and made me do my homework. Small things like that really go a long way. She supports me unconditionally

“She’s passionate about what I do.

“I think I couldn’t have a better mom or second mom or nanny by my side to help me through all these,” pagpuri ni Schooling kay Auntie Yolly.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN