X-Factor USA alumna Angel Bonilla lauds Vice Ganda for uplifting LGBT rights

IMAGE Facebook / YouTube

Fil-Am trans woman and X Factor USA boot camp alumna Angel Bonilla admires Vice Ganda for uplifting LGBT rights: "Nakakatulong si Vice na iangat ang LGBT community sa bansa, pati na sa buong mundo. Kasi, active LGBT advocate siya and successful comedian siya. Hard work ang puhunan, kaya yes, inaangat talaga ni Vice ang LGBT community!"


Isang proud na trans woman ang X Factor USA 2011 boot camp alumna na si Angel Bonilla.

Ayon sa Fil-Am singer, naniniwala siyang panahon na para mas matanggap sa bansa ang mga tulad niyang transgender.

“You know what I think?

“Ako kasi ay nagtiyaga talaga sa sarili ko, at kahit paano naman ay nagbigay ako ng karangalan sa Pilipinas.

“Sana ay makita nila iyon para galangin ako, kasi at the end of the day, I’m an artist, singer ako.

“It just so happens na transgender ako, which I am proud,” saad ni Angel.

Diin pa niya, “Gagamitin ko ang music ko or everything kung mayroon man chance para ma-promote ko ang mga transgender.

“I will do it, kasi iyon din ang isang misyon ko. Gusto kong mabago ang paningin ng mga tao sa transgender.

“We’ve been underdogs for so long.

“So, at least man lang, kahit sa pagkanta, kahit sa pagsali-sali sa ibang bansa, may mapatunayan kami.”

Bukod sa X-Factor USA, si Angel ay naging 2nd runner-up sa Discovery International Music Festival sa Varna, Bulgaria nitong makaraang May 2016.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa isang restaurant sa Timog, Quezon City noong August 7 para sa show na Voices… The Concert na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato sa August 24.

Dito’y ka-back to back ni Angel ang X Factor Israel grand winner na si Rose “Osang” Fontanes.

Kasama rin dito ang Your Face Sounds Familiar 1st runner-up na si Michael Pangilinan at iba pa.

HATS OFF TO VICE GANDA. Ayon pa kay Angel, bilib siya kay Vice Ganda at naniniwala siyang inaangat nito ang LGBT community sa Pilipinas.

Pagmamalaki niya, “Si Vice Ganda, I do admire his talent as a comedian. Matalino siya at mabilis ang utak.

“Nakakatulong si Vice na iangat ang LGBT community sa bansa, pati na sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, active LGBT advocate siya and successful comedian siya.

“Hard work ang puhunan, kaya yes, inaangat talaga ni Vice ang LGBT community!”

Pahabol pa niya, “Ang transgender na hinahangaan ko rin ay si Geraldine, yung first transgender na nahirang na congresswoman.

“Super proud ako sa kanya.”

ENCOUNTER WITH YOUNG CHARICE. Naikuwento rin ni Angel na noong bata pa si Charice Pempengco, nagkikita sila sa mga singing contest at minsan ding nagkalaban.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nagkikita kami ni Charice sa mga singing contest noon sa Cabuyao, Laguna.

“Iyon ang natatandaan ko, pero one time lang kami nagkalaban.

“Iba kasi ang category niya, e.

“Bata pa kasi noon si Charice, baka nine years old pa lang siya noon.

“Pero magaling na si Charice noon, hangang-hanga talaga ako sa batang iyan.

“And ako, darating ako sa mga contest na lalaki pero paglabas ko ay babae na ako.

“Ang unang suweldo ko nga, ang binili ko ay peluka [wig], e.”

Sino sa tingin niya ang local singer na may pinakamalaking contribution para mas makilala ang galing ng mga Pinoy bilang singer?

Sagot ni Angel, “Isa na diyan siyempre si Lea Salonga.

“Pang-international kasi siya, e. Nag-Miss Saigon siya at nanalo pa ng award.

“Plus siyempre, may mga iba pa. Magagaling naman kasi talaga ang mga Pinoy at Pinay pagdating sa music, e.”

INSPIRATIONAL STORY. Ipinahayag pa ni Angel na dahil sa X Factor USA, naging proud sa kanya ang father niya.

“Dahil sa X-Factor, that’s the only time na ang tatay ko ay naging proud sa akin.

“First time kong nakitang umiyak ang tatay ko. Umiyak siya sa backstage habang ini-interview siya ni Nicole Scherzinger.”

Dagdag pa niya, “Ang buhay ko ay pang-MMK [Maalaala Mo Kaya] – madrama at marami silang matututunan sa akin, sa totoo lang.

Hindi madali ang maging transgender, pero hindi dapat maging balakid iyan para matupad ang mga pangarap sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang buhay ko, yung mga paghihirap ko, very inspirational.

Kung anuman ang natamo ko sa Amerika, ang puhunan ko riyan ay pakikisama at nakikipagkaibigan talaga ako nang totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN