Miho Nishida reveals comments which hurt her the most

IMAGE Noel Orsal

Miho Nishida on negative comments: "Kaya lagi kong pinagdadasal na lahat ng pagsubok, e, makayanan ko. Bigyan na lang po ako ng lakas ng loob."


Sobrang thankful daw si Miho Nishida sa fans na very supportive at blessings na tinatamasan niya ngayon.

Pahayag ng Pinoy Big Brother 737 Big Winner, “Siyempre kakasimula ko pa lang, yung blessings na dumadating sa buhay namin ngayon pa lang dumadating, rumarami.”

Malapit na rin kasi ang kanyang first anniversary sa showbiz industry.

“Actually hindi ko in-expect na madami palang sumusuporta sakin, madami palang nagmamahal sa akin.

“Kasi ang alam ko lang kasi, sa Bahay ni Kuya, yung iba dun kilala na sa YouTube, iba dun modelling na daw, iba dun commercial model, blah blah blah...

“So, ako talaga, normal na tao, galing lang ako ng Japan na tumuntong sa Pilipinas na, 'Hello, guys' yung ganun,” saad niya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miho sa Dewmocracy event ng Mountain Dew noong August 12.

NEGATIVE COMMENTS. Nababasa ba ng young mom ang lahat ng comments sa kanyang Instagram account?

Sagot ni Miho, “Sometimes yes, sometimes no.

“Kapag nababasa mo yung iba dun, minsan may negative pero minsan naman may positive.”

Paano niya hina-handle ang mga natatanggap na negative comments?

“Kapag negative, hindi ko na pinapansin, hindi naman talaga nawawala yun.

“Lahat naman ng artista, lahat ng tao, may mga ganun.”

Ano ba ang pinakamasakit na natanggap niyang komento mula sa bashers?

Matapos mag-isip ni Miho, malungkot niyang sabi, “Pokpok daw ako, babayaran daw ako, yung ganun.

“Kasi siguro, di ba, nanggaling akong Japan, siguro may nakita silang something.

“Di ko na lang pinapansin kasi di naman niya talaga alam yung totoong pagkatao ko.

“So, nginingitian ko na lang na, 'A, okay,' yung ganun.

“Kaya lagi kong ipinagdadasal na lahat ng pagsubok, e, makayanan ko.

“Bigyan na lang po ako ng lakas ng loob.”

ACTING CAREER. “Gusto kong ma-experience na ako yung bida,” sagot naman ng PBB 737 winner nang tanungin kung ano ba ang kanyang dream role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, masaya dahil ikaw yung main [actress] ng palabas at mapapanood ka talaga ng tao.”

Binanggit naman ng kanyang kasama ang palabas na Meteor Garden, ang 2001 Taiwanese drama series na pinagbidahan nina Barbie Hsu, Jerry Yan, Vic Zhou, at iba pa.

Excited itong sinegundahan ng 24 year-old single mom, “Ayun, Meteor Garden, gusto ko 'yan!

“Ikaw si Shan Cai, tapos madaming lalaking nakapaligid sa 'yo, Oh My God, ang haba ng hair.”

Si Shan Cai, na ginampanan ni Barbie Hsu, ang bidang babae sa serye na pinag-agawan nina Dao Ming Xi (Jerry Yan) at Hua Ze Lei (Vic Zhou).

Nais lamang daw niya ay yung palabas na mae-enjoy talaga ng madlang people, mapa-bata man o matanda.

“Tsaka gusto ko ding maging kontra-bida!” tumatawang pahabol pa niya.

Hindi pa man nabibigyan ng malaking break sa aktingan, kung bibigyan daw siya ng pagkakataon ay nais niyang bumida sa isang romance-comedy film.

Bukod sa pagiging member ng girl group na GirlTrends, sila ng kanyang boyfriend at co-housemate sa PBB na si Tommy Esguerra ang latest addition sa cable channel CineMo sitcom na Happy Ka, Pare Ko, na pinagbibidahan nina Bayani Agbayani at Karla Estrada.

IDOL IN SHOWBIZ. Nang tanungin naman si Miho kung, maliban kay Tommy, may gusto pa ba siyang ibang makapareha, natatawang nag-isip ang dalaga.

“Yung gusto ko pang maka-love team ganyan, hindi ko pa naiisip.

“Pero gusto ko lang talaga maka-work sa babae, si Angelica Panganiban.

“At sa lalaki naman, si Paulo Avelino.”

Mabilis naman niyang paliwanag, “Super idol ko kasi siya, napapangiti ako.

“Bakit, di naman masama humanga di ba? Idol ko talaga siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN