Sen. Risa Hontiveros on Marcos burial at LNMB: "Huwag bigyan-daan iyang kabaliwan ng mga Marcos."

IMAGE Mark Atienza

An excerpt of Senator Risa Hontiveros's speech at #NoToMarcosBurialinLNMB held at Lapu Lapu Shrine in Luneta Park, Sunday, August 14: "Nakakahiya naman po sa ating kasaysayan kung ilibing siya sa mga Libingan Ng Mga Bayani at tuluyang ibaon sa limot ang mga mapapait na leksyon natin at alaala ng pakikibaka laban sa batas militar at laban sa diktadurya."


“Huwag ilibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“Huwag bigyan-daan iyang kabaliwan ng mga Marcos.”

Ito ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros at ng mga raliyistang dumalo sa Citizens Assembly sa Lapu Lapu Shrine, Luneta Park, ngayong Linggo, August 14.

Kaugnay ito ng protesta laban sa paglibing sa yumaong diktador at dating Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani.

Patuloy na pahayag ni Senator Hontiveros sa kanyang talumpati sa harap ng mga raliyista:

“Nakakahiya naman po sa ating kasaysayan kung ilibing siya sa mga Libingan Ng Mga Bayani at tuluyang ibaon sa limot ang mga mapapait na leksyon natin at alaala ng pakikibaka laban sa batas militar at laban sa diktadurya.”

Umaasa ang senadora na magbabago pa ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte hinggil sa nakatakdang interment ng yumaong Presidente Marcos sa LNMB sa Setyembre.

“Ako po, kasama ng bawat narito sa Citizens Assembly, ay nananawagan kay Pangulong Duterte na pakinggan po ninyo ang tinig ng mga mamamayan, ang panawagan ng ating kasaysayan.”

Excerpt from Senator Risa Hontiveros's speech at #NotoMarcosBurialinLNMB rally in Lapu Lapu Shrine.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

OTHER KEY SPEAKERS. Ilan pa sa nanguna sa pagbibigay ng mensahe sa Citizens Assembly ay sina Senator Leila De Lima, Winnie Monsod, at former Senator Bobby Tanada.

Winnie Monsod is one of the resource speakers at #NotoMarcosBurialinLNMB rally.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Nagbigay rin ng testimoniya ang mga biktima ng sekswal na pang-aabuso noong panahon ng martial law na sina Etta Rosales at Aida Santos.

Nakiisa rin sina former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, Jaime Fabregas, at Direk Joel Lamangan sa protesta laban sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa LNMB.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si dating DILG Secretary Roxas, ngunit tumanggi ito dahil mahirap daw magkarinigan dahil sa sound system.

Kasama ni Roxas na dumalo sa Citizens Assembly ang anak niyang si Paolo.

Spotted: Mar Roxas and son Paolo at #NotoMarcosBurialinLNMB rally

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN