Balang is now a certified Zumba instructor

IMAGE Screengrab 24 Oras GMA-7

YouTube dance sensation Balang, whose real name is John Phillip Bughaw, proudly posted on his Instagram that he is now a certified Zumba instructor. He just came back from the 2016 Zumba Instructor Convention in San Diego, California where he personally met Zumba founder Beto Perez.


Isang certified Zumba instructor na ang YouTube sensation na si John Phillip Bughaw o mas kilala bilang si Balang.

Nag-post siya sa kanyang Instagram account tungkol sa pagtanggap niya ng certificate na puwede na siyang magturo ng Zumba.

“Dream come true! I am now a Zumba instructor. Thank you @zumba.”

Kakagaling lang ni Balang mula sa 2016 Zumba Instructor Convention sa San Diego, California kunsaan nakilala niya ng personal ang founder ng Zumba program na si Beto Perez.

Dream come true! I am now a Zumba Instructor ???? Thank you @zumba ???????? #Balang #Zumba #dance #Zumbalang

A photo posted by BALANG (@johnphillipbalang) on

DANCE SENSATION. Nakilala si Balang dahil sa husay nitong sumayaw at humataw sa kanyang mga YouTube videos.

Noong mag-viral ang mga ito, marami ang gustong makilala nang personal ang 7-year old YouTube sensation para malaman kung gaano ito talaga kagaling na sumayaw.

Nakailang beses nang nag-guest si Balang sa show ng TV host-comedienne na si Ellen DeGeneres na Ellen kunsaan live siyang sumasayaw at nabibigyan siya parati ng standing ovation.

INTERNATIONAL STINTS. Simula noong maging isang International Dancing Sensation si Balang, nakakatanggap siya ng mga imbitasyon sa ilang mga events abroad.

Kelan lang ay naimbitahan siya ng Operation Smile para sa 25th Annual International Student Leadership Conference at San Diego State University in California.

Nakilala pa ni Balang ang isa sa stars ng drama series na The Vampire Diaries na si Michael Trevino at ang founders ng Operation Smile na sina Dr. William Magee and his wife Kathleen.

Na-feature din siya sa Good Morning San Diego.

Noong pumunta naman siya ng Orlando, Florida, nakipag-selfie naman siya sa American singer na si Shaggy.

Kinatuwaan din ng rap legend na si Snoop Dogg ang mga videos ni Balang at nag-repost pa ito ng isang video kunsaan nagsu-zumba ito.

Pinuri pa ng rapper ang husay sumayaw ni Balang.

Mabilis namang nagpasalamat si Balang kay Snoop Dogg.

Heto ang post ni Balang: “Thank you for reposting my video @snoopdogg God Bless.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood si Balang sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Magkaibang Mundo.

Nakapag-guest na rin siya sa mga TV shows na Vampire Ang Daddy Ko, Magpakailanman, Wagas, Yan Ang Morning at Kapuso Mo Jessica Soho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN