Cristine Reyes no bad blood with Tubig at Langis co-star Isabelle Daza

IMAGE Noel Orsal

Cristine Reyes (left) on Tubig at Langis co-star Isabelle Daza (right, with co-star Zanjoe Marudo, center): "Tama yung sinabi niya kanina, hindi siya plastic na tao. And alam mo na nagkakaintindihan tayo kung anuman yung ibig sabihin natin doon. Magkaibigan kami, okay? Walang isyu."


Binigyang-linaw ng Tubig at Langis stars na sina Cristine Reyes at Isabelle Daza ang tungkol sa isyung diumano’y hindi maayos ang relasyon nila on and off the set.

Tila dinadala raw kasi nila hanggang sa totoong buhay ang hindi magandang relasyon ng kanilang roles sa naturang panghapong teleserye ng ABS-CBN.

Ginagampanan ni Cristine ang bidang si Irene, habang kontrabida naman ang role ni Isabelle bilang si Clara.

Ginawa ng dalawa ang paglilinaw sa thanksgiving at farewell presscon ng Tubig at Langis na ginanap noong Agosto 13 sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

Nakatakdang magtapos ang serye sa Setyembre 9.

Unang natanong sa presscon si Isabelle kung totoo bang nagkakasakitan sila ni Cristine sa mga eksena nila ng sampalan at sabunutan?

Sagot niya, “Well, nagkakasakitan, pero after that, we become friends naman.

“Siyempre, we can’t avoid getting hurt because we don’t wanna make daya, di ba?

“Gusto namin na totoo. So, with AA [palayaw ni Cristine] and I, minsan nag-uusap kami before the scene, tapos sinasabi niya sa akin, ‘Okay, slap me as hard as you want…’ para nag-aano rin ng emotions iyan e,” ani Isabelle.

Naging friends ba sila ni Cristine in real life?

“Yes, of course. Actually, hindi,” biro ni Isabelle.

“Ako, I don’t ano, e…

“I would like to think that I’m not a plastic person.

“So, if mayroon mang something with us, nag-uusap kami, nagtsitsikahan kami.

“Like when I left for France, tinetx ko si AA, nag-sorry ako kasi kailangan nilang mag-adjust.

“Sabi niya, when she was shooting No Other Woman, naiintindihan niya iyan kasi it happened when she got sick.

“So, tinext niya sa akin, I remember and I won’t forget when she said, ‘Huwag mo kaming intindihin, okay lang kami. Put your family first.’

“So, I felt really good with what she said.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE’S SIDE. Sumunod namang natanong si Cristine kung naging friends ba sila ni Isabelle?

“Yes. Okay naman kami.

“We’re not really yung like lumalabas-labas.

“Hindi kami lumalabas together, pero sa set we’re okay, nag-uusap naman kami,” ayon kay Cristine.

Bago matapos ang presscon, kabilang pa si Isabelle sa pinasalamatan ni Cristine.

Dagdag niya, “Siyempre gusto ko ring magpasalamat kay Isabelle, of course.

“Kahit maigsi yung panahon na nakilala kita, mayroon akong natutunan sa iyo.

“Tama yung sinabi niya kanina, hindi siya plastic na tao.

“And alam mo na nagkakaintindihan tayo kung anuman yung ibig sabihin natin doon.

“Magkaibigan kami, okay? Walang isyu.”

NOT THE BEST OF FRIENDS BUT HAVE A GOOD RELATIONSHIP. Sa pahabol na interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Isabelle pagkatapos ng presscon, natanong siya kung bakit sa tingin niya nagkaroon ng bad blood issue sa kanila ni Cristine?

Dagdag paliwanag ni Isabelle, “I guess kasi siyempre laging may isyu especially pag bida-kontrabida, di ba?

“But you know, Cristine and I have a good relationship.

“Tulad ng sinabi niya, we’re not the best of friends, like I don’t text her everyday, pero pag kailangan I do reach out to her.

“Pati siya she reaches out to me, and I admire Cristine as an actress.

“And dami kong natututunan sa kanya.

“Sinabi niya na may natutunan siya sa akin. I’m so kilig because I think that she’s amazing.”

ON VIVIAN VELEZ. Samantala, dahil may kinalaman sa relasyon ni Cristine sa kanyang co-stars ang ilan sa naitanong sa kanya, hindi rin nakaligtas ang aktres sa tanong tungkol sa dati niyang Tubig at Langis co-star na si Vivian Velez.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nila nang maglabas ng hinaing si Vivian sa kanyang Facebook account tungkol sa umano’y hindi magandang pagtrato sa kanya ni Cristine sa set. Para makaiwas na sa tensyon ay nagdesisyon na lang si Vivian na mag-resign sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Kaya ang tanong kay Cristine ay kung kaya niya bang makasama ulit sa trabaho si Vivian?

Sagot niya, “Siguro lahat naman nadadaan sa magandang usapan, di ba?

“So, if given a chance na magkita kami at makapag-usap ulit, di ba, okay lang din naman sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN