Chavit Singson on Miss Universe 2016 terrorist threat: ''We'll take it seriously.''

IMAGE Noel Orsal

Nilinaw ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na manggagaling kay Department of Tourism Secretary Wanda Teo ang kumpirmasyon kung gaganapin sa Pilipinas ang susunod na Miss Universe pageant. Sa ngayon ay 80% done deal na raw ang nasabing adhikain.


Hindi na ikinagulat ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang pagkakaroon ng bantang terorismo sa susunod na Miss Universe Pageant kung sakaling ganapin ito sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Si Chavit ang siyang nakikipag-coordinate sa mga NGOs (non-government organizations) upang maging sponsor sa beauty pageant para sa Pilipinas.

Kamakailan, lumabas ang balitang nagbabanta ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na bombahin ang prestihiyosong event na balak idaos sa Pilipinas.

READ: Philippines is ready to host Miss Universe despite ISIS threat, says DOT

Dagdag pa niya, siniseryoso raw nila ang nasabing banta paghahandaan ito ng mga awtoridad.

Paninigurado niya, “Well, ikinoordinate na namin sa military at pulis.

"Nagmi-meeting meeting na kami.

"Ginagawa na nila lahat, pero di natin maa-avoid ang ganong threat.

"Lahat naman ng event, nagti-threat ang mga terrorists.

“So totoo o hindi, we'll take it seriously. Lahat ng precaution, gagawin namin,” kuwento ni Chavit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media press gathering sa kanyang tahanan sa Corinthian Gardens, Quezon City nitong nakaraang Sabado, Aug. 13.

Sabi ng dating gobernador ng Ilocos Sur, lahat naman daw ng event ay nagkakaroon ng banta, kagaya ng pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis at ang APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) na ginanap sa Pilipinas.

Umaasa naman si Chavit na magkakaisa ang mga local at international sponsors upang makalikom ng budget.

80% DONE DEAL. Tinanong din namin kay Chavit kung sinu-sino ang magtutulungan para matuloy ang event sa Pilipinas.

Pahayag niya, “Number one tutulong d'yan ang Department of Tourism headed by Sec. Wanda Teo.

"Siya ang ka-partner naming mga NGOs. Kung wala siya, di namin magagawa dito.

"Siya din ang nagko-coordinate.

“Although walang gastos sa gobyerno, kailangan din ng suporta ng gobyerno.”

Paglinaw pa ni Chavit, sa kabila ng mga naibalita na sa Pilipinas na kumpirmadong gaganapin ang susunod na Miss Universe, manggagaling kay Sec. Teo ang kumpirmasyon at formality kung tuloy na tuloy na nga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ito almost done, pero siya [Sec. Teo] ang mag-a-announce na final na.

“So hintayin natin ang announcement ni Sec. Wanda Teo kung final na dito gagawin yun.

“As of now, siguro 80 percent almost done,” saad niya.

Ibinahagi rin ni Chavit ang mga negosyanteng magiging sponsors upang makalikom ng pondo.

Una na rito ang Japanese billionaire na si Kauzo Okada na may hotel and casino businesses sa Pilipinas.

Aniya, “Nag-commit ng $3 million, baka dagdapan pa niya.

Ka-partner din daw niya rito ang negosyanteng si Tony boy Cojuangco

“Ang SM naman, ang tulong nila yung venue. Silang bahala sa Mall of Asia, hotel.

“Lahat ng casino natin, tutulong na lang sa accommodation, nag-commit na lahat sila,” dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN