PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee's sister Bernice to file perjury charges vs Vina Morales

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Posibleng sampahan ng reklamong perjury ni Bernice Lee, kapatid ni Cedric Lee, si Vina Morales dahil daw sa pagdamay ng kanyang pangalan sa sinumpaang salaysay nito sa counter-affidavit na isinumite sa Nueva Ecija Regional Trial Court. Hindi raw naghain ng reklamo si Bernice kay Vina sa Nueva Ecija kundi sa Caloocan City lamang.


Binabalak ng kampo ni Bernice Lee, kapatid ni Cedric Lee, na maghain ng reklamong perjury laban sa singer-actress na si Vina Morales dahil sa pagsisinungaling diumano nito.

Ito ang kuwento ni Cedric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang kamustahin namin ang tungkol sa reklamong libelo na inihain niya laban sa estranged partner na si Vina sa Nueva Ecija at Caloocan.

Ayon kay Cedric, “The libel case in Caloocan is submitted for resolution.

“Once filed in court, we expect her warrants of arrest to be issued.

“It depends on the number of counts or separate dockets the prosecutors will file, that will also be the number of her cases and warrants.”

Nakapanayam ng PEP si Cedric sa pamamagitan ng telepono ngayong Linggo, August 14.

BERNICE LEE. Sabi pa ni Cedric, tila nagkamali ang kampo ni Vina sa nai-file nilang counter-affidavit sa Nueva Ecija.

Parang kopya lamang daw ito ng naurang counter-affidavit na isinumite nila sa Caloocan, kung saan nabanggit ang pangalan ng kanyang kapatid na si Bernice.

Sabi ni Cedric, “In the Nueva Ecija case, she stated in her counter-affidavit the name of my sister again as the one accusing her.

“But my sister never filed any case against her in Nueva Ecija.

“It simply means she does not read the charges against her and just answers for the sake of answering by fabricating more lies or is just being advised by incompetent counsel.

“That being the case, my sister will now file perjury charges against her for lying under oath when she swore on that affidavit in Paranaque Prosecutor's Office before they submitted it in Nueva Ecija.

“She is obviously and clearly shown to be lying under oath when she named my sister there as the one accusing her when my sister never charged her with anything in Nueva Ecija.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAMAGES. Matapos daw nilang magsampa ng perjury case, dito na raw sila hihingi ng damages.

Saad ni Cedric, “Once filed in court, we will now file civil cases against her and have her assets and her income from ABS-CBN attached, through a writ of preliminary attachment.

“All the proceeds from the damages recovered from her assets will be donated to the government's drug rehabilitation program.”

Mananatling bukas ang PEP sa panig ni Vina tungkol sa panibagong pahayag na ito ni Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN