Radio DJ Karen Bordador, boyfriend arrested in drug buy-bust operation

IMAGE Courtesy of darkmeetsbrightdotcom

Almost P3M worth of drugs were found in the condo unit of Karen Bordador's boyfriend Emilio Lim in a buy-bust operation in Pasig City yesterday, Saturday, August 13. The couple was arrested after being tipped off by a Fil-Am informant.


Inaresto ang radio disc jockey at TV personality na si Karen Bordador at ang boyfriend nitong si Emilio Lim sa isang buy-bust operation na ginawa ng mga pulis sa condo unit ni Lim sa Pasig City kunsaan natagpuan ang milyun-milyong halaga ng droga.

Itinuturong supplier ng drugs sa mga clubs at bars si Lim, samantalang isinasangkot naman ang kanyang girlfriend na si Bordador.

Sa ulat ng 24 Oras ngayong Linggo, August 14, iniulat na isang drug pusher ang nahuli at itinuro si Lim bilang supplier ng mga droga sa mga club at bar.

Sa buy-bust operation, umaabot sa halagang P2.8 milyong halaga ng marijuana at iba't ibang flavors ng ecstacy ang nasabat sa condo unit ang lalaki.

“Siya ang itinuturong malaking nagsusuplay sa mga nagtutulak sa mga club sa Makati at BGC.

"Halu-halo na costumers d'yan. Meron mga estudyante, may mga teenagers, may mga mayayaman, may mga artista,” ayon sa panayam kay P/Sr. Supt. Tomas Apolinario, direktor ng Southern Police District.

Tumangging magbigay ng pahayag si Lim, habang itinanggi ni Bordador na may kinalaman siya sa droga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN