Julia Barretto responds with positivity after being bashed by netizen

IMAGE @juliabarretto on Instagram

Hindi pinalagpas ni Julia Barretto ang isang basher na nagsabing hindi na siya sikat taliwas sa kanyang iniisip. Ayon kay Julia, ang mga negatibong komento ng bashers ang nagpapatatag sa kanya upang gawin ang tama ayon sa kanyang hinahangad para sa kanyang sarili.


Sinagot ng Kapamilya young actress na si Julia Barretto ang isang basher kung saan sinabihan siyang huwag niyang isiping sikat siya gayong baka sa isipan lang niya ito.

Ang nasabing komento at bunsod ng pagpalit niya kay Janella Salvador, na diumano’y unang inalok sa role na Kath sa pelikulang Vince and Kath na pagbibidahan din nina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

????

A photo posted by JB (@juliabarretto) on

Ayon sa Instagram user na si @itsmekyliej: “Second choice ka lang pala sa movie na Vince & Kath, sinalo mo lang ung role from Janella. How does that make you feel? That you are not as famous as you think yourself to be?”


Ang Vince & Kath ay hango sa sikat na palitan ng text messages sa social media kung saan nangahas na i-text ni Vince ang kanyang crush na si Kath.

Simula noon, nagkamabutihan ang dalawa at nauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.

Nagtapos na rin ang kanilang pagpapalitan ng text messages matapos silang ikasal.

“I FEEL MOTIVATED…” Sa kanyang sagot, sinabi ni Julia na ang mga ganitong negativity ay ang naghihikayat pa sa kanyang gawin kung ano ang tama.

Aniya, “You want to how it makes me feel? It makes me feel motivated.

“To do good, so good, so I can prove a lot of people who attack me the same way you do wrong.

“I feel motivated to keep going, keep pushing and keep trying until I become the person I have always dreamt myself to be.

“I will not let this negativity from you get the best of me. Instead I will thank you. Thank you for being another reminder not to give up.

“I will pray for you tonight and hope that tomorrow will be a better day for you. And I mean it.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN