Kim Domingo tells boyfriend to limit social media posts about them

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2016
Kim Domingo on boyfriend Michael Acuña's social media posts: "Actually, nag-usap na kami na medyo bawas-bawasan. Lalo na siya, sobrang mag-post. Hindi po kasi maiwasan na may fans na nagagalit, parang nagko-comment na 'hindi kayo bagay.'"

Demonstrative ang boyfriend ni Kim Domingo, ang former PBA player na si Michael Acuna, dahil mahilig itong mag-post sa social media ng mga litrato ng sweet moments nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa set ng Mang Kepweng Returns kahapon, August 14, sinabi ng Kapuso sexy actress na nag-usap na sila ni Michael na bawas-bawasan na ang posting sa social media ng kanilang mga litrato dahil nagagalit ang fans.

Nagpahiwatig din si Kim na kinausap siya ng GMA Artist Center tungkol sa isyu.

Saad niya, “Actually, nag-usap na kami na medyo bawas-bawasan.

“Lalo na siya, sobrang mag-post.

“Hindi po kasi maiwasan na may fans na nagagalit, parang nagko-comment na 'hindi kayo bagay.'

“Nag-usap-usap kami [ng GMA Artist Center], naintindihan ko naman po.”

Hindi lamang basketball player si Michael dahil lumabas na ito sa isang indie movie.

Kinumpirma naman ni Kim na nag-aartista rin ang kanyang boyfriend.

“Ang alam ko po, nagte-taping-taping din siya,” sabi ni Kim.

Samantala, pinairal ni Kim ang pang-unawa at ang malawak na pag-iisip sa isyung kumakalat na ang alleged video scandal ni Michael.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pa alam. Kung meron man po, past naman niya yun!” ang natatawang sagot ni Kim.

Si Kim ang leading lady ni Vhong Navarro sa Mang Kepweng Returns.

Kinontra niya agad ang possible romantic angle sa unang pagtatambal nila ni Vhong sa pelikula dahil para sa kanya, trabaho lang ang lahat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo on boyfriend Michael Acuña's social media posts: "Actually, nag-usap na kami na medyo bawas-bawasan. Lalo na siya, sobrang mag-post. Hindi po kasi maiwasan na may fans na nagagalit, parang nagko-comment na 'hindi kayo bagay.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results