Kiko Matos and Baron Geisler settle their issue with a kiss

IMAGE @badassmatos on Instagram / Arniel Serato

Ayon kay Kiko Matos, nakabuti ang nangyaring laban nila ni Baron Geisler sa ring noong June 25 dahil naging daan daw ito sa kanilang pagkakaibigan. Matapos ang halos dalawang buwan, muling nagkita ang dalawa sa isang event kung saan tinuldukan nila ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng kiss.


Ayon kay Kiko Matos, nauwi sa pagkakaibigan ang kanilang mixed martial arts (MMA) fight ni Baron Geisler noong June 25.

“We’re okay. Actually this night is the first night na magkakasama kami [after the fight],” sabi ng indie film actor nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa #Dutudtan16 event noong Biyernes ng gabi, August 12.

Paano naayos ang kanilang bangayan sa social media noon?

Natatawang sagot ni Kiko, “Sa ring, sa ring.

“Kasi after nung laban, nagkausap kami, e, sa telepono, tapos okay na kami sa telepono.

“And the fight was June 25. Almost two months, ngayon pa lang kami magkakasama.”

Dumating din sa nasabing event si Baron kung saan nagbigay sila ni Kiko ng mensahe sa MMA fighters noong gabing yun.

Pagkatapos nilang magbigay ng inspirational messages, bigla na lamang hinalikan ni Baron si Kiko sa labi.

Read: Baron Geisler kisses Kiko Matos on the lips and other highlights of #Dutdutan16 tattoo expo

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kiko ang isa pang larawan nila ni Baron kung saan siya naman ang humalik sa pisngi ng nakaalitang aktor.

BATI NA KAMI @barongeisler #dutdutanxv ????@denisemallabo

A photo posted by kiko matos (@badassmatos) on

DRUG USE. Mainit na usapin ngayon ang droga. Kaya naman inusisa namin si Kiko kung gumamit ba siya ng ipinagbabawal na gamot noon.

Pag-amin ng aktor, “Of course. There are good drugs and there are some bad drugs.

“Well, I was in a point in my life na everything was ano, e, really bad.

“That was about five years ago.”

Sa ngayon daw, 100 percent sure ang aktor na malinis na ang kanyang sistema.

Ano naman ang masasabi niya sa maigting na kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs?

Tugon ni Kiko, “It’s about time that somebody would do something to stop on the spread of drugs.”

Pero hindi raw siya sang-ayon sa extrajudicial killings na nangyayari ngayon.

“Well, tama na yung patayan, don’t take it on the streets, take it to the courts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN