Kris Aquino evades issues citing illness

IMAGE Kris Aquino Instagram

Nakiusap ang Queen of All Media na si Kris Aquino na huwag muna siyang tanungin sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya dahil masama ang pakiramdam niya. Ngunit sa kabila ng masama niyang pakiramdam ay dumalo siya sa opening ng branch ng cafe ng isang kaibigan.


Matagal-tagal ding nanahimik si Kris Aquino sa social media.

Nang um-atend siya sa block screening ng pelikulang How To Be Yours ng Star Cinema noong last week ng July, ngiti lang ang sagot ng Queen of All Media sa isyung lilipat daw siya ng GMA Network.

Kaninang tanghali, August 15, ay dumalo sa Kris sa grand opening ng branch ng Ka Tunying’s Caf sa Timog Avenue, Quezon City, na katapat ng GMA Network Center.

Ayon kay Kris, may sakit pa siya at ilang araw siyang naka-bed rest.

Pero kailangan daw niyang tumayo para mapagbigyan ang paanyaya ng mag-asawang Anthony ‘Ka Tunying’ at Rossel Taberna.

Dagdag pa niya, “Kasi ang galing nila na nag-expand sila in less than a year. Sana tuluy-tuloy ang success nilang dalawa.”

Ipinakita pa ni Kris ang nakalagay na Salonpas sa may bandang balikat dahil sa sakit na naramdaman niya.

Kuwento niya, “Pinch nerve dito sa left shoulder, 'tapos kumalat... nag-migraine.

“Tiniis ko from… Tuesday nag-start, Wednesday sobrang lala.

“It was my uncle’s 82nd birthday, so nung pauwi, talagang… when I got home, I kept throwing up.

“Nung na-BP 9blood pressure] ako, 170/108.

“Mabait yung neurologist ko, at ten p.m. pinuntahan ako to check.”

Dahil sa masamang pakiramdam, nakiusap si Kris na huwag na siyang tanungin sa mga isyung kinasasangkutan niya.

“Pasensiya na, huwag niyo na ako tanungin ng anything, kasi apat na gamot ang nainom ko, baka kung ano pa ang masabi ko.

“Apat na gamot ang nainom ko, hindi ko maalala ang lahat na mga nasabi ko.

“Don’t ask me about anything, baka kung ano ang masabi ko, hindi ko na maalala, hindi ko naman madi-deny,” nakangiti niyang pahayag.

Pero kahit masama ang pakiramdam, nagtagal pa si Kris sa Ka Tunying dahil sa dami ng mga kaibigang nandun na nakakausap niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN