Is Angel Locsin hinting at a new love?

IMAGE Noel Orsal

When Angel Locsin posted Donna Cruz's music video "Kapag Tumibok Ang Puso," her fans assumed that she has a new love life. Find out Angel's reply to them.


Nag-react kaagad ang mga tagasuporta ni Angel Locsin nang i-post nito sa kanyang Instagram account ang music video clip ni Donna Cruz ng "Kapag Tumibok ang Puso" noong madaling-araw ng Lunes, August 15.

Sa caption, tinag ni Angel si Donna at sinabing isa siyang fan ng singer-actress na sumikat noong ‘90s.

Sorry, I just have to post this!???? Hi ate @donnacruzyl I'm Angel po???????? I'm a fan! #90s #fangirling @projectkups

A video posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Inisip naman ng ibang fans ni Angel kung may bago na bang nagpapatibok sa puso nito kaugnay ng nasabing post.

Sunud-sunod ang comments ng kanyang mga tagasuporta at nagbigay ng mensahe kay Angel.

Sinabi nilang masaya sila kung nakahanap na ng bagong love life ang aktres.

Nagpaalala naman ang iba na tiyakin ng aktres na mamahalin siya ng kanyang bagong mahal, kilalaning mabuti ang lalaki upang hindi siya masaktan uli, at tiyaking deserving ang bagong pag-ibig.




Samantala, sumagot naman si Angel at sinabihan ang kanyang followers na mag-“relax” dahil nag-share lang siya ng music video.


DONNA CRUZ REPLIES TO ANGEL. Samantala, sumagot naman si Donna sa post ni Angel.

Nagpasalamat ang aktres sa pagsuporta ng tinaguriang multi-media star.


Sumagot si Angel at sinabing kinilig siya ni “Miss Donna.”


Muling sumagot si Donna at sinabi kay Angel na tawagin na lang siyang “Ate Donna.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN