Liza Diño agrees to suggestion of Sen. Dick Gordon to have Libingan ng mga Pangulo

IMAGE Reielle Deslate

"Siguro, kung mayroon tayong Libingan ng mga Pangulo, regardless of what they have done, siguro mapu-put to rest itong mga issues," says Liza Diño.


Pabor si Liza Dino sa suhestiyon ni Senator Dick Gordon na magkaroon na lamang ng Libingan ng mga Pangulo.

Kamakailan ay nagbigay ng pahayag ang senador tungkol sa isyu ng pagpapalibing sa dating diktador at yumaong presidente na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sabi niya, “It is now time to set aside our differences.

“And set aside government land for a Libingan ng mga Pangulo.

“Let us be bigger than our past. And let our actions speak louder together as Filipinos.”

Sinang-ayunan naman ito ni Liza, na bagong chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa panayam ng News To Go kanina, August 15, sabi niya, “I understand the sentiments, of course, because the word 'hero' is very subjective.

“For me, nabasa ko kasi si Senator Gordon na sinabi niya na dapat magkaroon na tayo ng Libingan ng mga Pangulo.

“I think, this is a personal opinion, mas maganda yun.

“Regardless, that is the right pa rin talaga of a president na malibing siya appropriately.

“Kung mayroong Libingan ng mga Pangulo, regardless of what they have done, siguro mapu-put to rest itong mga issues.

“The word 'hero' is really ano, maraming opinyon diyan, hindi natin masasabi na lahat tinitingnan ang ating former president as a hero.”

Pag-uulit pa niya, bagamat saklaw ng batas ang pagpapalibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani, “The name itself, Libingan ng mga Bayani, is the one that really poses that divide.”

Sa puntong ito, umaasa raw si Liza na nawa'y dinggin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opinyon ng nakararami.

“On our end, I don't know, masyado siyang complicated.

“Sana makinig siya sa nakararami.

“Sana makinig siya sa kung ano ba talaga ang opinyon ng lahat. Kasi, we have to find that balance,” sabi ni Liza.

FIGHT AGAINST DRUGS. Sa naturang panayam, tinanong din ng News To Go anchor na si Kara David si Liza tungkol sa kanyang opinyon sa ginagawang aksyon ngayon ng gobyerno laban sa isyu ng droga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “For me, number one is accountability.

I think, pagdating sa mga police operations, kailangan magkaroon ng way para magkaroon ng counter investigations.

Aminado rin naman tayo at ang mismong presidente natin ay nag-name ng mga general na involved sa drugs.

What more 'yong mga police na involved sa drugs.

Hindi natin alam kung ano ang motive ng bawat isa ngayon pagdating sa pagsugpo sa drugs.”

Diin pa niya, “Ako, accountability talaga. Kailangan magkaroon ng isang magandang mandate, programa o policy pagdating sa check and balance nito.

Kasi, it's going to breed violence din talaga.

A lot of people will feel empowered, na puwede na lang din silang pumatay.”

DIFFERENT OPINION. Bagamat kilalang matinding supporter ni Pres. Duterte si Liza at ang kanyang partner na si Aiza Seguerra, hindi naman maiwasang may mga pagkakataong taliwas ang kanilang opinyon sa mga utos ng presidente.

Dahil dito, madalas ay naba-bash din sila ng mga kapwa nila supporter.

Hindi naman na raw ito alintana ng mag-asawa.

Katuwiran ni Liza, “Ako, naniniwala ako na mismong ang presidente ang nagsasabi sa atin, na it's okay na magkaroon ng pagkakaiba-iba.

Naniniwala siya sa diversity. Naniniwala siya na dapat nating galangin ang opinyon ng bawat isa. Let's follow that.

Ang gusto niya is to unify the Philippines.

Hindi makakatulong kung you're always hearing just one side or we are siding on one kind of opinion.

Or if we criticize or we're thinking differently about certain issues, e, against ka na sa pangulo. No, our allegiance is to the country.”

Sabi pa niya, “The President's allegiance is to the country.

Siya mismo ang nagsabi na wala nang kaibi-kaibigan dahil dito.

“I think dapat sundan natin yung kanyang ginagawa.

Ako, naniniwala ako na if we're only responsible enough, magkakaroon tayo ng respeto at magiging makatao tayo sa pag-accept sa mga nangyayari ngayon, mas magiging positive ang ating environment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN