Isabelle Daza pushes through with wedding despite father's passing

IMAGE Noel Orsal

Isabelle Daza finds solace in acting out her grief over the death of her father. She relates, "Minsan yun na lang ang pinaghuhugutan ko… Yun talaga ang nagpapalauha sa akin. Iniisip ko na lang na gift na rin yun ng dad ko sa akin, he's helping me at work."


Sa September 10 na ang kasal ni Isabelle Daza sa kanyang French fiance na si Adrien Semblat sa Italy.

Pero halos isang buwan na lang bago siya ikasal ay marami pa raw siyang dapat ayusin.

Hindi na raw niya naasikaso ang mga ito dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay

Unang-una na ang pagpanaw ng kanyang ama na si Bong Daza noong July 14 dahil sa heart attack.

Sabi ni Isabelle, “Siyempre napakahirap because sino naman ang matutuwa if a person dies?

“Iniisip ko na lang, he’s in a better place right now.”

Kung anumang lungkot ang nararamdaman ni Isabelle sa pagkamatay ng kanyang ama ay ibinubuhos na lang daw niya sa kanyang mga eksena sa ABS-CBN afternoon drama series na Tubig at Langis.

Sabi niya, “Minsan yun na lang ang pinaghuhugutan ko pag may mga eksena kami ni Tito Efren [Reyes].

“Tatay ko siya, iniisip ko how would it be kung totoong tatay ko.

“Yun talaga ang nagpapalauha sa akin at tumutulong sa akin.

“Iniisip ko na lang na gift na rin yun ng dad ko sa akin, he’s helping me at work.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Isabelle sa farewell cum thanksgiving presscon ng Tubig at Langis noong Sabado, August 13.

SUPPORTIVE MOM. Nagpasalamat din ang aktres dahil buo ang suporta na ibinibigay sa kanya ng inang si Gloria Diaz.

Saad niya, “My mom is always there to give me words of advice in times of need.

“Lagi niyang sinasabi na, 'Don’t give up, you have to be strong.'

“And ganun talaga ang buhay, may pinagdadaanan.

“Sometimes God is preparing you for harder things in life, and she always tells me to pray.”

Sa kabila ng pagpasok niya sa buhay may-asawa ay hindi raw iiwan ni Isabelle ang showbiz at ang Pilipinas.

“Siyempre, bakit hindi? Of course, I’m gonna be living here.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Isabelle, “Sa ngayon, I need to think of a back-up plan dahil marami pa akong papeles na kulang sa Philippine Embassy sa Italy.

“Kailangan kong gawan ng paraan this Monday [Aug. 15] dahil baka hindi na ako payagan na magpakasal dun in a church.

“It’s law. In order to get married in a Catholic church, you have to be civilly married here or have all your papers in order.

“Dahil nga ang daming nangyari sa buhay ko, medyo delayed ako sa mga requirements.”

Ayon din kay Isabelle, hindi na nila puwedeng i-reschedule ang petsa ng kasal.

“Hindi puwede kasi lahat na naka-book, almost one month na lang.

“Almost three weeks so I’m excited about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN