Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee's group; denies settlement

IMAGE Gorgy Rula

Vhong Navarro on plan to marry longtime girlfriend once his legal battle is over: "Sumasagi naman talaga sa isipan ko na 'yan. Siguro bumubuwelo lang ako, kasi eto, may kaso pa ako. Hindi naman sa sinasabi na hindi ito priority. Pero sana, matapos lang sana, kumbaga makabawas din sa mga gastusin."


Bagamat wala nang gaanong balita, sinabi ni Vhong Navarro na umuusad pa rin kahit paano ang mga kasong isinampa niya laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ilan pang mga kasamahan nito.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog sa kanya ng grupo nin Cedric noong January 2014.

Dumadalo pa rin daw si Vhong sa mga hearing kung kailangan ang testimony niya, at doon daw sila nagkikita minsan nina Cedric.

Hindi lang daw siya makapagsalita ng ilan pang detalye tungkol sa kaso dahil sa gag order mula sa korte.

Ngunit mayroon daw silang idinagdag na kasong perjury na umakyat na sa korte.

Itinanggi rin ni Vhong ang kuwentong mayroon daw taong gustong ayusin sila ni Cedric.

Wala raw kumausap sa kanya at pursigido siyang ituloy ang kaso.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vhong sa shooting ng pelikula niyang Mang Kepweng Returns kahapon, August 14.

VINA MORALES. Nakakausap din daw ni Vhong si Vina Morales nang pumutok ang balitang kinasuhan din ng singer-actress si Cedric.

Dating magkarelasyon sina Vina at Cedric at mayroon silang isang anak na babae.

Ayon kay Vhong, hindi siya nakikialam sa kaso ni Vina kay Cedric.

Pero nakausap daw niya si Vina at humihingi ito ng dasal.

“Ang sinasabi lang niya, ‘Ipagdasal mo ako.’ Kasi naging close din kami ni Vina.

“Sabi niya, ipagdasal ko raw siya.

“So, talagang nilalaan ko yun kay Vina na isama ko siya sa mga dasal ko.

“Pero iba naman kasi ang sa kanila, personal naman yun, e,” dagdag niya.

MARRYING HIS GIRLFRIEND. Ang isa pang balak sana ni Vhong, kapag matapos ang mga kaso niya laban kina Cedric, ay pakasalan ang babaeng matagal na rin niyang nakakasama.

Ito ay ang longtime girlfriend niyang si Tanya Bautista.

Sabi ng dating miyembro ng Streetboys, “Puwede naman talaga, e. Wala na akong ibang hahanapin pa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sumasagi naman talaga sa isipan ko na ‘yan.

“Siguro bumubuwelo lang ako, kasi eto, may kaso pa ako.

“Hindi naman sa sinasabi na hindi ito priority.

“Pero sana, matapos lang sana, kumbaga makabawas din sa mga gastusin

“Depende rin kasi, e. Ang kaso kasi hindi mo masasabi kung ilang taon pa yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN