Albay Gov. Joey Salceda calls for action after incident involving Badjao Girl on PBB

IMAGE Screengrab from Pinoy Big Brother

Gov. Joey Salceda on incident involving Badjao Girl Rita Graviola and fellow PBB housemates: "PBB must be unequivocal against incipient discrimination, subsconscious racism and the bullying it engenders in any contour and complexion, only made grievous by its grand display to a national audience esp to its target segment—the youth whose moral judgment is just forming."


Tinawag ni Albay Governor Joey Salceda ang pansin ng ilang ahensiya ng gobyerno para suriin ang nangyari sa Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola, o mas kilala bilang Badjao Girl, na napaiyak dahil sa pagbibiro ng kapwa niya housemates.

Kabilang sa mga ahensiyang kanyang hiningan ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Ito ay bunsod ng lumabas na video noong Sabado, August 13, kung saan makikitang umiiyak si Rita matapos mapansing pinagtatawanan ng mga kapwa babaeng housemate ang kanyang underwear.

Read: Badjao Girl cries when PBB Season 7housemates play with her underwear

Nag-react dito si Gov. Salceda.

Pahayag niya sa kanyang Facebook post kahapon, August 14: “I was preparing to support the Bicolana from Masbate – Kisses [Delavin] - but now my heart breaks for Rita.

PBB must be unequivocal against incipient discrimination, subconscious racism and the bullying it engenders in any contour and complexion, only made grievous by its grand display to a national audience esp to its target segment—the youth whose moral judgment is just forming.”

Sinabi rin ng gobernador na dapat ay may ginawa nang paraan ang pamunuan ng PBB para naiwasan ang pangyayari sa pagitan ni Badjao Girl at iba pang housemates.

Aniya, “From the start, PBB should have been structured to prevent its occurrence.

“Treatment of indigenous peoples is too delicate for a 'role playing-cum-confession room' context.

“It may address the direct participants but what about millions who watch the violation but failed for some reason to watch the episode of correction.

“And what about the violence is also imposed on the youthful violators who are unjustifiably exposed to ridicule.”

In-acknowledge naman ni MTRCB Chairman Toto Villareal ang concern ni Gov. Salceda.

Sa sumunod na post ng Albay governor, sinabi niya na ang isyu tungkol kay Badjao Girl sa PBB ay naipasa na sa legal department ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng pamunuan ng Pinoy Big Brother tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN