Manny Pacquiao on Marcos's burial at LNMB: "Huwag natin kalimutan ang nagawa niya sa ating bayan."

IMAGE @mannypacquiao Instagram

Senator Manny Pacquiao echoes President Rodrigo Duterte's position on ex-President Ferdinand Marcos's burial at Libingan ng mga Bayani.


Naniniwala si Senator Manny Pacquaio na qualified na mailibing sa Libingan Ng Mga Bayani ang yumaong diktador at dating Presidente Ferdinand Marcos.

Ibinigay na dahilan ng Pambansang Kamao at senador ang probisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Regulation G 161-373 o “The Allocation of Cemetery Plots at the Libingan ng mga Bayani.”

Nakasaad dito na ang presidente ng Republika ng Pilipinas, bilang chief-of-staff ng militar, ay maaaring ilibing sa naturang sementeryo.

Sabi ni Senator Pacquiao, base sa ulat ng GMA News Online ngayong Lunes, Agosto 15: “In-elect siya ng tao. Doon pa lang, naging presidente siya.

“So, doon pa lang, huwag natin kalimutan ang nagawa niya sa ating bayan, sa ating bansa, iyong mga na-accomplish niya during his term.

“Siguro i-consider natin iyon palagi.”

Ayon pa sa athlete-politician, mas importante ang pagbibigay ng kapatawaran sa kabila ng mga karahasang dinanas ng libu-libong biktima ng batas militar sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nang tanungin kung ano ang kanyang posisyon hinggil sa mga kaso ng pang-aabuso noong namumuno si Pangulong Marcos, ito ang balik-sagot ng Pambansang Kamao:

“Kinukonsidera naman natin iyon.

“Pero saan ang mas nauna, pagka-elect niya as president o martial law?

“O, di ba? Mas nauna pagka-elect niya as president.”

Dagdag na pahayag ni Pacquiao, “Kailangan may forgiveness tayo.

“Kung wala tayo pagpapatawad sa puso natin, hindi tayo maka-move on.”

Gayunman, hindi nagbigay ng direktang pahayag si Pacquiao kung itinuturing niyang bayani si Marcos.

Ang posisyong ito ni Senator Pacquiao ay tulad ng kay Presidente Rodrigo Duterte, na siyang nag-utos na umpisahan ang preparasyon sa paglipat sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng Mga Bayani.

Inaasahang isasagawa ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Setyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN