Kris Aquino explains silence on social media

IMAGE Instagram (@kriscaquino)

The Queen of All Media reveals that she has been experiencing health problems that is why she stayed away from the social media for a few weeks.


Nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan at kung bakit naging tahimik siya sa Instagram nitong mga nakaraang araw.

Nag-update ang Queen of All Media sa kanyang Instagram account ngayong Lunes, August 16, nang dumalo siya sa grand opening ng cafe business ng kaibigan niyang ABS-CBN news anchor na si Anthony Taberna.

Sa nasabing event ay nakausap siya ng ilang entertainment press tungkol sa kanyang kalusugan, na siya ring idinahilan niya kung bakit umiwas siyang matanong sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Kabilang na rito ang napapabalitang paglipat umano niya sa GMA Network at ang pagsilang ng girlfriend ng kanyang dating mister na si James Yap sa una nilang anak.

Read: Kris Aquino evades issues citing illness

Sa kanyang Instagram kagabi, idinetalye muli ni Kris ang health concern niya at kung bakit matagal siyang hindi nag-update sa social media.

Bago ang update ni Kris ngayong araw, higit dalawang linggo siyang nanahimik sa IG,.

“I wanted to explain my silence - I am feeling better but was told to take it easy until the end of the week.

“I'm also taking 4 different medicines- so I stayed off IG because being under pain management medication could make me say things I'm better off keeping quiet about.

Inilarawan pa nga ni Kris na “extreme” ang iba't ibang sakit sa katawan na naramdaman niya.

“I've been resting in bed since Wednesday night - my BP was 170/108 from extreme pain due to the tightness of the muscles in my upper back & neck, there was also straightening of my cervical spine that produced a mixed nature of headaches related to migraine & cervicogenic type - trust me the physical distress was extreme.

“Dr. Tonio Piano (he trained in Singapore for this procedure) who is partners w/ Dr. JJ Tiongson my neurologist in Medical City this afternoon gave me Botolinum Toxin injections done over the cervical paraspinal & trapezius muscles (in simple language, Botox injections over the nape & shoulder muscles.).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa comments section ng post na ito ni Kris, isang netizen ang nagpayo kay Kris na layuan si Anthony dahil sa pagiging kritiko umano nito ng kapatid niyang si former President Benigno 'Noynoy' Aquino III at ng kanyang dating administrasyon.

“His attacks to our former president was way too much,” bahagi ng komento.


Sinagot naman ni Kris ang netizen.

Aniya, sinusunod niya ang payo ng kanyang yumaong ama, si former Senator Benigno 'Ninoy' Aquino Jr. pagdating sa pakikipagkaibigan, at iyon ay walang masama sa pakikipagkaibigan sa ibang tao.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN