Sunshine Dizon fights back against bashers

IMAGE Mark Atienza

Hindi nagpapigil si Sunshine Dizon sa pagsagot sa mga basher sa kanyang Instagram na nagkomento ng kung anu-ano tungkol sa kanya. Hinamon pa niya ang mga ito na magpakita ng pruweba sa kanilang ibinabatong isyu tungkol sa kanya.


Nakipagsagutan si Sunshine Dizon sa Instagram sa ilang bashers kung saan tila kinilala niya ang isa sa mga ito na si Clarisma Sison na nagtatago diumano sa iba’t ibang fake accounts.

Si Clarisma ang sinasabing third party sa hiwalayan ni Sunshine at ng mister nitong si Timothy Tan.

Sa dalawang magkasunod na Instagram posts, nagkomento ng hindi maganda ang naturang bashers laban sa Encantadia star.

Let the Sunshine in @philstarshowbiz https://shar.es/1ZTolh via @sharethis

A photo posted by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Noong una, nagpaalala pa si Sunshine na huwag magkomento ng hindi maganda sa kanyang posts dahil mapipilitan daw siyang dagdagan ang mga ihahain niyang demanda laban sa mga ito.


MASUNGIT OR MOODY? Isang Instagram user na may handlename na @imsuchadory ang direktang sinita ang aktres tungkol sa kanyang ugali diumano sa taping.

May pagka-masungit daw ito o moody kapag ginigising na ng mga PA o production assistants kapag magti-take na.


Bago pa ito, isang follower ni Sunshine ang nakipagsagutan sa naturang basher.



BACK IT UP WITH FACTS. Sa kasunod na mga komento, sinagot na ni Sunshine ang naturang basher.

Aniya, huwag siyang pagbintangan nang walang kasamang ebidensiya.




“I DARE YOU!” Kasunod nito ang pagbuwelta ni Sunshine sa isang basher na tinagurian siyang ‘asawa na sinusuka.’



Narito pa ang ibang sagutan ng followers at bashers ni Sunshine sa kanyang IG account:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN