Luis Manzano admires Jessy Mendiola's strength in handling bashers

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on Jessy Mendiola's bashers: "To begin with, they don't like her, they never liked her, they don't wanna put an effort into understanding her."


Wala pa ring direktang pag-amin si Luis Manzano tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jessy Mendiola.

Ngunit hindi naman itinatanggi ng Kapamilya TV host-actor na masaya sila kung anumang mayroon sila ngayon.

Saad ni Luis, “She’s fine, she’s happy, she’s content.

“I guess, with everything going on, there’s no way to go but to be happy.

“Sabi ko, I said it on Tonight With Boy Abunda, we’re enjoying this journey.

“It’s a journey filled with growth bombs, we’re gonna enjoy everything – both good moments and bad moments.”

Diin pa niya, “Journey pa nga, wala pang formality.

“We’re just enjoying everything that we’re doing.”

Aminado naman si Luis na sa mga pinagdaanan nila ni Jessy, kasama na ang pamba-bash sa kanila, ay mas lalong lumalim at tumatag ang kanilang samahan.

“Definitely, definitely, to get through that make us stronger.

“I appreciate her more, her strength, kung paano siya.

“Mas bumilib ako sa kanya.

“Mas malaki lang akong tao, but she’s way stronger than I am.”

Nakausap ng entertainment press si Luis sa contract signing niya sa ABS-CBN kahapon, August 15.

BASHERS. Tanggap na raw ni Luis na hindi mawawala ang pambabatikos sa kanila ni Jessy ng ilang netizens.

Pahayag niya, “Nandun pa rin yun.

“No matter what we do, other people will dislike us no matter what, no matter what we do.

“Ganun naman talaga tayo, there will be people who will not like us no matter what we do, kahit nasa bahay lang tayo.

“Kahit kumakain lang tayo sa bahay, hindi pa rin gusto ang ginagawa natin.

“Ganun talaga, it’s part of what we do.”

Ipinagtanggol din ni Luis si Jessy sa pambabatikos na natanggap nito pagkatapos niyang tanghaling FHM Sexiest Woman for 2016.

Sinabi ng Kapamilya actress na wala siyang pakialam sa bashers at pakiramdam nito ay talo pa niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay pinaratangan si Jessy ng ilang netizens na “mayabang, malaki ang ulo, at mataas ang tingin sa kanyang sarili.”

Pahayag ni Luis tungkol dito, “I don’t see anything wrong.

“Sabi ko nga, ang taong naghahanap ng mali, makakahanap ng mali.

“They don’t wanna understand the other side of the spectrum.

“Para sa kanila, ‘Ay, ito, mali ito para sa akin, aawayin ko ito.’

“Instead of, ‘Teka lang, baka iba naman ang pagkakasabi niya, ibang context ang pagkakaintindi ko, hindi.’”

Patuloy niya, “To begin with, they don’t like her, they never liked her, they don’t wanna put an effort into understanding her.

“Ganun naman talaga, e, I’m not gonna go knocking on people’s house saying, ‘Hey, you have to like me.’

“If you don’t like me, okay.”

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Luis sa ginawang pagtatanggol sa kanila ng inang si Lipa City Congresswoman Vilma Santos.

Sabi niya, “Mothers will always be mothers.

“My mom speaks from the heart, so lahat ng sinabi ni Mommy, that’s from the heart din naman.

“So, mas na-appreciate ko bilang anak. Kung paano din siya nag-check kay Jessy.

“We’re both very thankful na she did that.”

JESSY'S FHM PICTORIAL. Hindi rin daw isyu kay Luis ang pagpu-pose ni Jessy sa cover ng FHM magazine.

“Yes, being the sexiest, she has to do the cover. I don’t see anything wrong with that.

“She’s shooting today, they’re doing the cover as we speak.”

Wala rin daw siyang limitations na ibibigay sa aktres.

“No, not at all. I completely trust her.

“Sasabihin sa akin, may shoot, ‘I’m not gonna ask kung ito ang dapat mong suutin.’

“I’m not that type of guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN