One Up member Joemarie Nielsen has no plan to rebuild relationship with estranged Thai father

IMAGE Noel Orsal

StarStruck 6 alumnus Joemarie Nielsen on his estranged Thai father: "Gusto ko namang i-thank you siya dahil nandito ako, di ba? Pero siyempre sa huli, iniwan niya kami ng nanay ko, so parang may ano pa rin sa loob ko na galit or inis."


Kung mabibigyan ng pagkakataong gumanap sa dramatic roles ay may paghuhugutan na ang newcomer na si Joemarie Nielsen, miyembro ng Kapuso boy band group na One Up at finalist ng StarStruck 6.

Ayon kay Joemarie, inabandona silang mag-ina ng kanyang ama na isang Thai national noong maliit pa lamang siya.

Lahad niya, “Bale bata pa lang po ako, umalis na yung real father ko [na Thai].

“Tapos nakilala ni Mama ko yung stepfather ko [na Amerikano] when I was three.

“Tapos, when I was three hanggang seven years old, umalis na kami sa Pilipinas and pumunta kami sa Thailand.

“Seven years po kami sa Thailand and then bumalik kami dito nung namatay na yung stepfather ko noong 2010.”

Nagkataon kasing na-assign ang American stepfather niyang magtrabaho sa Thailand, kung saan naroon ang tunay na ama ni Joemarie.

Pero ni minsan ay hindi raw nakita ni Joemarie ang biological father niya kahit noong mga panahong nasa Thailand sila.

Hindi na rin daw sinabi sa kanya ng ina ang tungkol sa pagkatao ng tunay niyang ama.

Pumanaw naman ang stepfather niyang Amerikano noong 2010; 15 years old noon si Joemarie.

Hindi ba nagkaroon ng kagustuhan si Joemarie na hanapin ang ama niyang Thai?

Tugon niya, “Actually, nung sa StarStruck, pina-research yun.

“E, ako, gusto ko namang i-thank you siya dahil nandito ako, di ba?

“Pero siyempre sa huli, iniwan niya kami ng nanay ko, so parang may ano pa rin sa loob ko na galit or inis na…”

Ayaw na niyang makita ang tunay niyang ama?

“Gusto ko siyang ma-meet, mag-hug, mag-thank you, tapos,” sabi ni Joemarie.

Magpapasalamat lamang daw si Joemarie sa ama niya, ngunit wala siyang planong ituloy o buuin ang naputol nilang ugnayan bilang mag-ama.

“Opo. Kasi nagkaroon ako ng tatay na iba, e. Siya yung nag-alaga sa akin, hindi siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN