2NE1's Sandara Park spotted at BGC for Korean travel show

IMAGE @daraxxi on Instagram

2NE1's Sandara Park is joined by fashion model Hyoni Kang for KBS2's travel show Battle Trip. The two Korean celebs and their crew were spotted roaming around Bonifacio Global City and Calamba City earlier today, August 16.


Balik-Pinas muli ang 2NE1 member na si Sandara Park matapos ang pagbisita niya noong August 7.

Nitong nakaraang linggo, pumunta si Sandara sa Tagbilaran City sa Bohol para sa isang travel show.

Matapos ang isang araw ay tumungo naman siya papuntang Thailand para sa isang event ng isang local clothing brand.

Nagtungo rin muna ang K-Pop superstar ng South Korea bago bumalik dito sa Pilipinas.

Read: Sandara Park recalls career in the Philippines before joining 2NE1

Kaninang umaga, August 16, dumating si Sandara kasama ang South Korean model na si Hyoni Kang.

OOTD 2 ??? ???? ??? ?? ?????? #????? ?? ????~

A photo posted by Sandara Park (@daraxxi) on

Sa isang Instagram post, sinabi ni Dara na ang kanyang pagbisita sa bansa ay para sa South Korean travel show na Battle Trip , na ipinapalabas sa KBS2 tuwing Sabado.

Ang caption ni Dara: "Today, I'm with Seunghyeon filming for #BattleTrip ~ Finally, Dara Tour will be released on broadcast! *Heartbeat* Very aweseome!"

Pagdating pa lang niya sa airport, nagsimula na agad ang shooting para sa nasabing TV show.

Isa sa mga lugar na binisita nina Sandara at Hyoni ay ang Bonifacio Global City.

Ang isang fan na may Twitter handle na @ohheyitsrona ay nakunan pa litrato si Dara matapos nitong magpakuha ng litrato kasama si Hyoni sa photo booth sa isang arcade.

Namataan din ng isang fan, na may twitter handle name na @0fficialDaraGon, ang dalawa na nagpapakuha ng litrato sa isang fountain sa BGC.

Tila sinuwerte naman ang fan na si Bryan Regala Sumayao dahil hindi lang Pokemon ang nakita nito sa BGC.

i was liek, (gently) throwing ultra balls at her, maet ????

A photo posted by bryan regala sumayao (@catcherinthebrye) on

Bukod sa BGC, ilang masuwerteng fans din ang nakakita kay Dara at sa mga kasama nito sa Calamba City, Laguna.

Kabilang si Dara sa mga judge ng upcoming talent competition show ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar.

Makakasama niya bilang judges sina Yeng Constantino, Vice Ganda, at Aga Muhlach.

Si Billy Crawford naman ang magsisilbing host ng nasabing reality-talent search competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN