Olympics gold medalist Joseph Schooling defends Pinay nanny from negative comments

IMAGE Courtesy of The Straits Times

Singaporean swimmer Joseph Schooling on bashers accusing his Filipina nanny Yolanda Pascual of using him for her own sake: "I think whoever sad that should be shot. That's stupid. You know that really pissed me off. That's not true at all. Auntie Yolly is like my mom."


Pinabulaanan ng Singaporean gold medalist na si Joseph Schooling ang usap-usapang ginagamit daw ng kanyang Filipina nanny na si Yolanda Pascual ang tagumpay niya sa Rio Olympics para sa sariling kapakanan nito.

“I think whoever sad that should be shot. That’s stupid.

“You know that really pissed me off. That’s not true at all.

“Auntie Yolly is like my mom,” ang naiiritang pahayag ni Schooling sa live exclusive video interview sa kanya ni Jessica Soho sa State of the Nation ng GMA News TV kagabi, August 16.

Pahayag pa ng swimmer na tumalo kay Michael Phelps, “Auntie Yolly, she’s like my mom. My second mom.

“And when my mom was at work, Auntie Yolly always takes care of me, and it’s great.”

Inamin ni Schooling na disappointed siya sa mga walang katotohanang bintang laban sa yaya niya na nag-alaga sa kanya mula noong isang taong gulang pa lamang siya.

Katabi ni Schooling si Auntie Yolly habang iniinterbyu ni Jessica at hindi rin nito napigilan na ipagtanggol ang sarili nang siya ang kausapin ng anchor ng State of the Nation.

“Actually po, as a maid or as a nanny as you may call, I’ve been reading a lot of bad comments po sa mga other posts.

“I just want to say, I came here to work as a nanny or as a maid, but I found it or I know, it’s a decent job and everybody, in any way, even those white-collar jobs, they have their own bosses, isn’t it?

“We have our own boss so we are also maids of our own boss,” depensa ni Auntie Yolly laban sa mga nagmamaliit sa pagkatao niya.

Si Auntie Yolly ay tubong-Cagayan Valley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN