Sam Milby thanks social media for meeting girlfriend Mari Jasmine

IMAGE Instagram / Jojo Gabinete

Sam Milby on girlfriend Mari Jasmine: "Ako ang nauna [na nag-follow sa social media], but it's funny 'coz matagal na siya sa Pilipinas, pero never kaming nagkita, sa event or anything, wala. She's not a showbiz person. Hindi siya mahilig sa showbiz."


Hangga’t maaari, iniiwasan ni Sam Milby na magkuwento tungkol sa current girlfriend niyang si Mark Jasmine.

Nevertheless, napilitan si Sam na magbigay ng ilang impormasyon tungkol kay Mari Jasmine na nakilala niya sa pamamagitan ng social media.

Kuwento ng Kapamilya star, “Ako ang nauna [na nag-follow sa social media], but it’s funny ‘coz matagal na siya sa Pilipinas, pero never kaming nagkita, sa event or anything, wala.

“She’s not a showbiz person. Hindi siya mahilig sa showbiz.

“Nung finallow ko siya sa Twitter, hindi niya ako kilala. She had no idea sa showbiz life dito.”

Dagdag pa niya, “She makes really good coconut milk, grilled salmon.”

Taliwas sa mga lumabas na balita noon, si Mari Jasmine ay walang Filipino blood dahil half-Japanese at half-British ito, pero lumaki sa Australia.

Nakangiting sinabi ni Sam na malaki ang utang na loob niya sa social media dahil nakilala niya si Mari Jasmine.

“Thank you, Twitter. Thank you, Instagram,” sambit niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa solo presscon niya para sa pelikulang Camp Sawi ng Viva Films kahapon, August 16.

SECOND CHOICE. Alam ni Sam na unang inialok kay Piolo Pascual ang role ng camp master sa Camp Sawi, pero hindi natuloy dahil sa busy schedule ng kanyang fellow Star Magic actor.

Kahit second choice, mapalad ang pakiramdam ni Sam dahil naging parte siya ng pelikulang tinatampukan nina Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Arci Munoz, Kim Molina, at Bela Padilla.

Pahayag niya, “I feel very blessed that I was able to be a part of this movie, kasi yung movies na ginagawa natin dito, we love to be kilig.

“We do so many movies about teen kilig but yung aftermath of yung mga relationship, walang masyadong movies na ganyan.”

TWO HEARTBREAKS. Inamin ni Sam na dalawang beses na siyang nasawi sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una, sa kanyang high school girlfriend at, ang huli, sa nangyari sa relasyon nila ng ex-girlfriend na hindi niya binanggit ang pangalan.

Saad ng actor-singer, “The last [breakup], medyo nagulat ako, it was unexpected breakup.

“I tried to just look back and appreciate the time we had together, yung mga natutunan ko from the relationship and use that to make the next relationship better.

“It took a long time for me to move on from the last.

“If you’re in a relationship for such a long time, it’s hard when nag-break kayo, kasi sobrang sanay kayo sa isa’t isa.

“And I’m glad that I stayed single for so long para makilala ko uli ang sarili ko, to appreciate myself as a person, kasi it’s the longest time I’ve been single.”

Bago ang relasyon nila ni Mari Jasmine, ang huling naging girlfriend ni Sam ay ang actress-TV host na si Anne Curtis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN