Sam Milby sees forever in his newfound love life

IMAGE Glenn Regondola

Sam Milby on girlfriend Mari Jasmine: "Hindi talaga siya maarte at all, she's just very simple, and I love that. She's herself and I love that, her genuineness... I wouldn't get into a relationship kung wala akong nakikitang future."


Hindi na nagawang itanggi ni Sam Milby na may relasyon na sila ng Japanese-British model-blogger na si Mari Jasmine.

Pero bago ang kanilang relasyon, matagal na naging single si Sam.

Marami tuloy ang nagtaka kung bakit tila umiwas na ang Kapamilya actor-singer na magkaroon ng relasyon kahit may mga idini-date siya paminsan-minsan.

Pahayag ni Sam, “It did sometime for me... years.

“I was single for almost over six years… breakup was in 2009.

“And this year, it's my… yeah, long time.”

Ano ang nakita niya kay Mari Jasmine na nagpatibok ng kanyang puso

Aniya, “It just feels right, we have a lot in common also.

“But, yeah, it was just as simple... it just feels right.

“Things we believe, our hobbies also.

“She's very health-conscious, and I'm the same way. She's very much into sports and I'm outgoing.

“Hindi talaga siya maarte at all, she's just very simple, and I love that, her simplicity.

“No makeup at all, she goes out, she's herself and I love that, her genuineness.”

May chance ba na si Mari Jasmine na talaga ang kanyang forever?

Sagot ni Sam, “I'm not getting any younger, yeah, sana naman.

"Like, what I've said, it's so early, but sana.

“I wouldn't get into a relationship kung wala akong nakikitang future.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang reporters si Sam sa pocket presscon para sa pelikulang Camp Sawi, na ginanap sa Viva Studios, sa Quezon City, nitong Martes, August 16.

HEARTBREAK. Dahil naranasan din ni Sam na maging heartbroken, sakali bang may totoong Camp Sawi ay papasok siya rito?

Natatawang sagot ni Sam, “I had my own way of dealing with a heartbreak.

“Sana may Camp Sawi nung time na yun, mabuti naman nandun yung mga kaibigan ko.

“Naging ka-close ko si John Prats nung time na yun, siya din may pinagdadaanan that was why we became close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he was the one person who really helped me get through that heartbreak.”

Dugtong pa niya, “Kaya when we were shooting, sabi namin, 'Ba't walang Camp Sawi in real life?'

“I think, in La Union, di siya Camp Sawi, pero para sa mga sawi… kahit girl or boy puwede pumunta dun.

“I don't know, I read one article, and it's a great concept na wala pa.”

Ano ang plano ni Sam sa kanila ni Mari Jasmine para hindi na maulit ang kasawian niya sa pag-ibig?

Saad ng 32-year-old actor-singer, “You know, there will always be yung mga away.

“In every relationship, laging may away.

“There's no perfect relationship, so it's just like knowing how to fight for the relationship, and for the love.

“And just being mature sa mga away, di ba?”

Si Sam lang ang main male actor sa Camp Sawi na pinagbibidahan din nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Arci Munoz, Yassi Pressman, at Kim Molina.

Handog ito ng Joyce Bernal Productions para sa Viva Films at N2 at nakatakdang ipalabas sa August 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN