Newcomer Hasmine Killip surprised to win over Nora Aunor, Judy Ann Santos at Cinemalaya

IMAGE Facebook

Hasmine Killip leads two lives in two countries, a quieter married life in London and a heady acting career in the Philippines. "Marami talaga akong natatanggap na biyaya ngayon, sobrang dami! Sobrang hindi ko po inasahan yun," she blurts out.


Para sa isang newcomer, malaking achievement ang natamo ni Hasmine Killip bilang lead actress sa isang pelikulang pinarangalan sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival.

Ito ang Pamilya Ordinaryo na pinamahalaan ni Eduardo Roy Jr.

Kabilang sa mga nakuhang awards ng pelikula ang Best Editing, Best Direction, Best Film, NETPAC Prize winner, at Best Performance of an Actress para kay Hasmine.

Hindi rin daw ma-imagine ni Hasmine na naungusan niya sina Nora Aunor at Judy Ann Santos sa Cinemalaya.

Sabi ni Hasmine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via private messaging ng Facebook, noong August 16, “Naku, never kong in-imagine yun!

“Ano naman laban ko po, e, baguhan lang naman ako?

“Sa totoo lang po, fan nila ako. Sobrang galing kasi nila.

“Ewan ko nga ba bakit ako nanalo, hindi ko naman hinangad yun.

“Pero salamat pa rin at nagustuhan nila ang akting ko.”

UNBELIEVING. London-based si Hasmine at ang asawa niyang si Anthony Killip.

Engaged na raw sila bago pa niya ginawa ang short film na Junilyn Has (2015) at ikinasal sila October last year.

I love you my Darling!! ???? #Husband&Wife

A photo posted by Hasmine Killip (@hasminekillip) on

Sa London ay iba naman ang pinagkakaabalahan niya.

Sabi ng 21-year-old actress, “Ang job ko rito is sa care and support [home care] ‘cause I want to try different things.

“Kahit na alam kong mahirap, pero exciting.”

Bago siya nag-artista ay sa call center nagtatrabaho si Hasmine bilang Amazon seller support.

Ayon kay Hasmine, aksidente lang ang pagkakapasok niya sa showbiz.

“Last year po iyon, sinamahan ko lang po yung best friend ko para mag-audition.”

Ang tinutukoy ni Hasmine ay ang short film nga na Junilyn Has, kung saan gumanap siyang dancer sa bar.

Patuloy pa niya, “Wala po talaga akong plan mag-audition.

“Noong nakita po ako ni Direk Carlo Manatad, pinasubok niya rin po ako.

“Yung Junilyn Has pa lang po ang una kong film experience, wala akong worskshop dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Pamilya Ordinaryo po ang pinaka-first time ko, may two days workshop ako dun.”

Sa naturang pelikula ay gumanap siya bilang si Jane na asawa ni Aries (Ronwaldo Martin), teenage parents na nakatira sa bangketa at nabubuhay sa pagnanakaw.

Noong awards night sa Cinemalaya, ibinigay raw ni Direk Carlo ang link para mapanood niya mula London.

Hindi raw siya makapaniwalang nanalo siyang Best Actress.

Saad ni Hasmine, “Hindi ko talaga akalain na magiging Best Actress ako!

“After ng Best Supporting actress, sabi ko, 'Ay, eto na ako, ganyan-ganyan…'

“Siyempre iniisip ko, bakit ako magiging Best Actress, e, ang kalaban ko ay mga beterana?

“Kaya sabi ko sa asawa ko, wala na akong laban.

“Pero sabi niya, ‘You wouldn't know until they announce.’

“Tapos noong in-announce na Best Actress ako, nagsisigaw talaga ako dito sa tuwa!

“Hindi ko naman akalain na magiging Best Actress ako… nakakagulat talaga!”

Dagdag pa niya, “Nabigla talaga ako dahil hindi ko inaasahan na talagang mananalo ako.

“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat, naiyak ako nang sinabi yung speech ko.

“Maraming-maraming salamat din sa lahat ng nanood ng Pamilya Ordinaryo at sa lahat ng bumoto sa akin.

“Marami talaga akong natatanggap na biyaya ngayon, sobrang dami!

“Excited na ako sa Venice, pupunta kami sa Venice.

“May bonggang red carpet, kasama si hubby!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN