Liza Soberano downplays turning down Charlie Puth's invitation

IMAGE Allan Sancon

Liza Soberano on international and local male celebs having a crush on her: "Nakaka-touch po. Kaso nahihiya ako pag inaasar ng ibang mga tao. Ayoko lang po yung feeling."


Nakiusap si Liza Soberano na huwag nang gawan ng isyu ang hindi niya pagpunta sa concert ng international singer na si Charlie Puth sa KIA Theater noong August 14.

“Ayoko na lang po sanang pag-usapan. Ayoko na pong maisyu,” sabi ng Kapamilya young actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Liza at ang ka-love team niyang si Enrique Gil sa press visit sa taping ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN teleserye, ang Dolce Amore, sa Clinica Antipolo Hospital and Wellnes Center, noong Agosto 16.

Inimbita kasi ni Charlie sa kanyang concert si Liza sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Twitter: “@lizasoberano you coming tonight?”

Pero nag-beg off si Liza: “@charlieputh sorry I couldn't make it!! Hope to see you next time around”

Nagkataon kasing may ibang commitment si Liza noong gabing iyon.

Sa concert ay inihayag pa ni Charlie ang istorya kung paano niya inimbitahan si Liza.

Napanood niya kasi sa telebisyon sa loob ng kanyang hotel room ang Star Cinema movie na Everyday I Love You, na pinagbidahan ni Liza kasama sina Enrique at Gerald Anderson.

Siguradong nabighani si Charlie sa kagandahan ni Liza kaya niya nasabing, “I'm attracted to this young actress.”

Kaya nag-tweet ang "One Call Away" singer sa Pinay actress.

Aniya nga, “I sent her an invite but she's busy.”

Read: American singer/songwriter Charlie Puth on Liza Soberano: 'I sent her an invite but she's busy.'

LOCAL AND INTERNATIONAL MALE CELEBS HAVE A CRUSH ON HER. Hindi ito ang unang pagkakataong may international artist na nagka-crush kay Liza.

Nauna na nga rito ang isang miyembro ng British band na The Vamps, si James McVey.

Bukod pa rito, halos lahat ng mga artistang lalaki sa Pilipinas ay may crush kay Liza.

Natanong tuloy ng PEP si Liza kung ano ang pakiramdam na mapa-local o international artists ay nagkaka-crush sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Nakaka-touch po. Kaso nahihiya ako pag inaasar ng ibang mga tao. Ayoko lang po yung feeling.”

Ano naman ang reaksiyon ni Liza na tila marami ang naiinggit sa kanya dahil bukod sa mga naa-attract sa kanya ay nakakasama pa niya sa pictures ang kanyang mga iniidolong foreign artists gaya nina Selena Gomez, Ariana Grande, at The Vamps?

Saad niya, “Ewan ko ba, puro ‘Itago niyo si Liza’ ang nakalagay, nababasa ko.

“Pero hindi naman ako pumupunta ng concert kung hindi ko naman talaga bet, hindi ko idol or something.

“At saka hindi naman ako nagpapapansin sa mga nagpa-follow at nagme-message sa akin.

“I mean, hindi sa nagyayabang ako or anything, pero hindi ko sinasadya na gawin nila iyon.

“Hindi ako yung nagga-grab ng attention nila.”

Dagdag pa ni Liza, “Alam ko yung kay Charlie siguro dahil siyempre nasa hotel lang siya, bagyo noon, so nanonood lang siya ng Filipino channel.

“Tapos siguro nakita niya yung movie naming, tapos minerit niya, di ba?

“Siyempre magre-react yung fans namin. Siguro doon niya ako nakita.

“Pero hindi naman ako nagsabi na i-follow mo naman ako or anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN