Liza Soberano and Enrique Gil to announce something special at their concert?

IMAGE Allan Sancon

Liza Soberano on stronger relationship with Enrique Gil while doing Dolce Amore: "Kasi marami rin kaming napagdaanang obstacles throughout the show. Siguro kasi, this year, mas mature na kaming dalawa, kasi nag-18 ako. Pati yung characters namin sa Dolce, mas mature, so parang nadadala namin iyon hanggang sa bahay."


Sa kabila ng maraming lalaking nagkaka-crush kay Liza Soberano, nananatili namang solid ang love team at samahan nila ni Enrique Gil.

Naging mas matatag nga raw ang kanilang relasyon nang gawin nila ang ABS-CBN primetime series na Dolce Amore.

Sabi ni Liza, “Definitely, yeah, kasi marami rin kaming napagdaanang obstacles throughout the show.

“Siguro kasi, this year, mas mature na kaming dalawa, kasi nag-18 ako.

“Pati yung characters namin sa Dolce, mas mature, so parang nadadala namin iyon hanggang sa bahay.

“Also doing and taping the show, since our characters are more mature, mayroon mga lessons na naa-apply din namin sa sarili namin.”

So, mas minamahal ba nila lalo ang isa’t isa ngayon?

“Yes!” pagkumpirma naman ni Enrique.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Liza at Enrique sa taping ng Dolce Amore, sa Clinica Antipolo Hospital and Wellnes Center, nitong Agosto 16.

SEPANX. Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Dolce Amore sa Agosto 26, ano ang nararamdaman ni Liza?

“Ako po, usually nararamdaman ko po yung sepanx [separation anxiety] next Monday after the show [ends].

“Kasi, parang paggising mo ng Monday, parang wala ka nang gagawin. Hindi ka na gigising nang maaga para maligo at pumunta sa taping.

“Tapos, the whole week, parang hinahanap mo na yung taping, kasi nakasanayan na ng body namin na gumising nang maaga, mag-tape nang magdamag, and then gumising ulit nang maaga.

“Tapos hindi na iyon mangyayari, so nakakapanibago.

“Siyempre iisipin mo rin ang dami naming kasama sa set.

“Pati yung mga baklang laging nagpapatawa sa amin, tapos ngayon wala na ulit sila, nakakalungkot.

“Pero during the last day ng taping, doon ko nararamdaman na patapos na.

“Actually, mami-miss ko yung Dolce Amore, the whole story, pati yung ibang cast na kasama namin because we really bonded together.”

CONCERT. Samantala, excited at handang-handa na sina Liza at Enrique para sa kanilang Dolce Amore #Choose Love The Concert na magaganap sa KIA Theater sa Sabado, Agosto 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napili na raw ang mga kantang ipe-perform nila sa concert, na mismong mga fans ang bumoto at pumili para sa kanilang mga idolo.

Sabi ni Liza, “Napili na po yung mga kanta which sa concert po mari-reveal, hindi namin ire-reveal ngayon.

“Pero feeling ko mae-excite naman yung fans sa concert namin at saka matutuwa sila kasi magsasama-sama kaming lahat ng cast sa isang stage.”

Ang concert na ito ay isang paraan din nila ng pasasalamat sa mga fans at avid viewers para sa very successful run ng Dolce Amore.

Wala pa rin bang pag-aming magaganap sa concert tungkol sa totoong estado ng relasyon nila?

“Magugulat na lang kayo. Chos!” biro ni Liza.

Totoo bang hindi lang pag-amin ang magaganap kundi may proposal pang mangyayari?

Sabi naman ni Enrique, “Proposal na agad… hindi, joke lang.”

Pabirong singit pa ni Liza, “Makikita niyo na lang ang prenup. Hindi, joke lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN