One Up member Jay Arcilla prepared to compete with Benjamin Alves for Julie Anne San Jose's heart?

IMAGE Noel Orsal

It appears Jay Arcilla is prepared to go head to head with Benjamin Alves for the heart of Julie Anne San Jose. "Magpapa-abs na rin ako!" he jokes.


Inamin ng StarStruck Season 6 finalist na si Jay Arcilla na sina Kylie Padilla at Julie Anne San Jose ang showbiz crushes niya.

Si Kylie ay nakasama na niya noong nag-guest ang dalaga sa StarStruck.

Si Julie Anne naman ay nakasabay niyang mag-guest sa Pepito Manaloto at sa Sunday PinaSaya.

Given a chance, sino ang pipiliin niya sa dalawa?

“Kung sino ang magkagusto sa akin!” natawang sagot ni Jay sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung parehong magkagusto sa kanya ang dalawa?

“Si Julie Anne na lang po, si Julie Anne.”

Biniro namin si Jay na lagot siya kay Benjamin Alves na nanliligaw ngayon kay Julie Anne.

“Okay lang po yun, magpapa-abs na rin ako!” balik-biro naman niya.

MOVING ON. Matagal na raw naka-move si Jay sa hindi niya pagkakatanghal na Ultimate Male Survivor sa StarStruck Season 6.

“Siyempre kinausap ko po yung parents ko, humingi ako ng tawad na hindi ko masyadong nagalingan.

“Nangako ako sa kanila na gagalingan ko, na ibibigay ko lahat para manalo, para makuha yung prize, kasi kailangan namin.”

May mga pagkakataon namang mas sumisikat pa ang mga hindi nananalo sa mga talent search.

Halimabwa si Rocco Nacino, na second runner-up sa Season 5 ng StarStruck, ay mas sumikat kaysa sa nanalong Ultimate Male Survivor na si Steven Silva.

Tanggap na ba ni Jay na sikat pa siya kay Migo Adecer, ang nanalo sa batch nila?

“Siyempre!” at tumawa si Jay dahil close daw sila bilang magkaibigan ni Migo.

Dagdag pa niya, “Lahat naman po ng StatStruck ka-close ko.”

Paano kapag nabasa ni Migo ang sagot niya na mas sikat siya rito, hindi kaya magalit ito sa kanya?

“Baka sabihin niya, ‘Oo nga!’ at muling tumawa si Jay. “Biro lang.”

EXPOSURE. Matapos ang StarStruck ay inilagay agad si Jay sa primetime series na Little Nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Sobrang kakaiba nung first time kong magkaroon ng show and nakasama ko si Ms. Nora Aunor, si Mr. Eddie Garcia, si Tito Bembol Rocco, sa Little Nanay po.

“Then, si Ms. Kris Bernal, talaga pong mga big stars… yung feeling na nakita mo sila nang harapan, sobrang nakakabighani, talaga sobra!

“Tapos kahit yung nagkakamali ka, iko-correct ka pa nila.”

Noong August 11 ay ini-launch siya bilang miyembro ng One Up, ang bagong sing-and-dance boy group ng GMA Network at GMA Artist Center.

Hindi kaya parang na-demote si Jay na sa halip na i-build up siya bilang aktor ay isinama siya ng GMA-7 sa isang baguhang boy band?

Tugon niya, “Sa akin hindi ko po naramdaman yung ganun na umaarte na ako bigla akong nasa boy band.

“Kasi kailangan din natin ng trabaho, and for sure naman po pag galing ako dito baka may kumuha sa akin.

“Makikita kami sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang TV shows.

“Baka mamaya magka-regular show ako.”

Halimbawang bigla siyang sumikat on his own, iiwanan ba niya ang One Up?

“Baka hindi muna,” sagot ni Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN