Heart Evangelista says Sen. Chiz Escudero doesn't stop her from doing kissing scenes

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on Senator Chiz Escudero's reaction to her kissing scenes with Dennis Trillo: "Kapag may kissing scene, I'm like, 'Huwag ka na tumingin.' 'How did you feel, babe?' Niloloko niya ako.'"


Nilinaw ni Heart Evangelista, 31, na hindi isyu sa mister niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero, 46, ang pagkakaroon niya ng “sexy and naughty” image sa telebisyon ngayon.

Kahit pa madalas ang kissing scenes ni Heart at ng kanyang leading man na si Dennis Trillo sa GMA-7 primetime series na Juan Happy Love Story.

Sabi ng Kapuso actress, “He’s so supportive and open-minded about these things. In fact, nanonood siya!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart noong Martes, Agosto 18, sa presscon para sa kanyang Carry Your Heart bag exhibit.

Dito ay ibinahagi ni Heart na mas siya pa ang nako-conscious kapag nanonood ang senador ng kanyang romantic-comedy soap.

“Kapag may kissing scene, I’m like, ‘Huwag ka na tumingin.’

“‘How did you feel, babe?’ Niloloko niya ako.

“But he’s not the jealous type. He’s very very mature, I guess.

“He’s over that [stage na isyu yung ganun].”

Ano namang suporta ang ibinibigay niya kay Senator Chiz ngayong balik-Senado ito?

Sagot ni Heart, “Well, I have my own thing. So, it’s not like [I keep on texting him] ‘Uwi ka na, uwi ka na.’”

RESPECT FOR EACH OTHER'S TIME. Hindi raw demanding si Heart sa oras ng mister, lalo pa’t pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho.

“I’ve always been modern in a way when it comes to respecting your time.

“Do what you have to do, I do my thing, and we just see each other later. It’s refreshing like that.

“Hindi yung parati na lang kayo magkasama, wala na kayong pinag-uusapan.”

Kung wala rin lang silang trabaho ay makikitang nagdi-date sina Heart at Senator Chiz, base na rin sa Instagram posts ng Kapuso actress.

“Kasi the more na hindi mo pinipilit, the more it’s there. You want your own time, your space...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we [also] like to be with each other all the time,” sabi ni Heart.

Sunday's with ??

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

CHALLENGES. Isang taon at kalahati nang kasal sina Heart at Senator Chiz.

Nitong nagdaang eleksyon ay nasaksihan ng publiko ang suportang ibinigay ni Heart nang kumandidato ang kanyang mister bilang bise presidente.

Ngunit pumang-apat lamang ito sa VP race na napanalunan ni Leni Robredo.

Nang tanungin kung paano niya hinaharap ang pagiging misis ng isang high-profile government official, sinabi ni Heart na mahalaga ang pagkakaroon ng tibay ng loob.

“I did adjust. Siyempre a lot of people look at you. They judge you…”

Ngunit bilang artista na naharap sa iba’t ibang kontrobersiya, natuto na si Heart na huwag basta magpaapekto sa sasabihin ng iba.

“But, you know, I’ve been an artista for almost 18 years now.

“So, I don’t think it can get any worse than what I’ve been through.

“I’m used to it. So, ganun talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN