Melai Cantiveros noncommital about whereabouts of husband Jason Francisco

IMAGE @mrandmrsfrancisco Instagram

Emotional Melai Cantiveros recalls wedding vow to husband Jason Francisco: "'Right from the start...You're a thief you stole my heart and I am a willing victim.' Wow!"


Tila nasa proseso pa rin ng pakikipag-ayos si Melai Cantiveros sa mister niyang si Jason Francisco.

Kaugnay ito ng pagiging emosyunal ni Melai sa August 17 episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

Biglang napaiyak si Melai nang masaksihan ang pagiging malapit ng kanilang celebrity guest na si Yassi Pressman at ama nitong si Ronnie.

Sabi ni Melai, “I’m so touched. Kapag ganyang may mga nagmamahalan, talagang naaalala mo yung anak mo din, yung asawa mo...”

Naalala rin daw ni Melai ang pagiging “daddy’s girl” ng anak nila ni Jason na si Mela.

Sa kabila ng pagpapatawa ni Melai, pinuna ng kanyang co-host na si Karla Estrada ang patuloy na pagluha ng comedienne-TV host.

Hirit ni Karla, “Oy, hindi na 'yan tungkol dito!”

Nang tanungin kung nasaan ngayon ang kanyang mister na si Jason, ang tanging sagot ni Melai, “In my heart.”

Kasunod nito ay pinatugtog ang emosyunal na kantang “Just Give Me A Reason.”

Sabi pa ni Melai tungkol sa lyrics ng naturang kanta, “'Yan ang wedding vows namin. ‘Right from the start... You’re a thief, you stole my heart and I am a willing victim.’ Wow!”

MARITAL PROBLEM. Noong nakaraang buwan ay naiulat ang “open letter” ni Jason tungkol sa hiwalayan nila ni Melai.

Nasundan ito ng pahayag ni Melai na kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya ang relasyon nilang mag-asawa.

Sabi ni Melai, “Kahit anong problema ang dumating, paglalabanan iyan, kasi siya ang forever ko, e.

“Because ang forever is a choice, and I chose my forever.”

Read: Melai Cantiveros defends Jason Francisco from bashers

Noong August 4 ay naiulat din ang tungkol sa pagbura ni Jason ng kontrobersiyal niyang "open letter" tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ni Melai.

Read: Jason Francisco deletes IG post about breakup with Melai Cantiveros


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN