Erika Padilla not satisfied with Sen. Leila De Lima's statement about President Duterte's accusations

IMAGE @padillaerika on Instagram

Nakulangan ang aktres at sports reporter na si Erika Padilla sa naging pahayag ni Senator Leila de Lima tungkol sa akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pera galing sa droga ang ginamit niya sa kampanya. Sabi ni Erika, "I'm not saying De Lima is guilty. But definitely, she could have said something more clear and concrete to show that she is not."


Hindi pasado kay Erika Padilla ang naging pahayag ni Senator Leila de Lima kaugnay ng mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa senador.

Hindi raw kasi sinagot ni Sen. De Lima ang totoong isyu sa kanyang press conference sa senado ngayong Huwebes, August 18.

Sabi ni Erika tungkol dito, “De Lima should have at least mentioned non-involvement with drugs. That's the main issue of the President with her.”

THE ISSUE. Matatandaang inakusahan ni Senator De Lima si President Duterte ng pang-aabuso sa kanyang katungkulan bilang pangulo ng bansa dahil sa personal na atake nito sa pagkatao niya.

Sa kanyang binasang pahayag sa senado ngayong araw, August 18, sinabi ng bagong mambabatas, “Words cannot express what I am feeling right now.

“I guess no one can, because no one has ever been attacked in such a manner by no less than the highest official of the land, until now.

“How does one defend oneself, when the attacker is immune from suit, and has all the backing of executive power to support him in his personal attack? This is no less than abuse and misuse of executive power.

“I don't think the Constitution has ever contemplated such abuse of power on such scale, as it assumes every President to conduct himself in a manner befitting the office he holds.”

Ito ay kaugnay pa rin sa pagpapangalan ni Pangulong Duterte kay De Lima na isang senador daw na imoral at kalaguyo ang kanyang driver, na bagman din diumano ng drug money.

Sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati kahapon, August, 17: “And here is a senator complaining.

“When one day I will tell you that her driver... who was also her lover, was the one also collecting money for her during the campaign.

“Here is a woman who funded the house of her lover and yet we do not say any complaint about it. Those money came readily from drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The intercept between Muntinlupa and the driver were far beyond, making sure that somebody was involved.

“In fairness, I will never say here that the driver gave the money to her but from the looks of it, she has it...”

Kasunod nito ang pagbanggit ni President Duterte sa pangalan ng Liberal Party senator.

DE LIMA'S SPEECH. Pahayag naman ni De Lima tungkol sa akusasyon ng pangulo, “Tao lamang din po ako na nasasaktan, natatakot, at nag-aalala rin para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.

“Kagalang-galang na Pangulo, Your Excellency, naisip ko na rin po na itigil na ang imbestigasyon sa mga summary executions kung iyon ang gusto ninyo para lamang matigil ang mga personal na atake sa akin.

“Sumagi na rin po sa isipan ko na itigil ang imbestigasyon kapalit ng katahimikan sa aking buhay.

“Pero kapag ginawa ko po ito ay parang tinalikuran ko na rin ang sarili kong pagkatao, at itinatwa ang sarili kong mga paninindigan at paniniwala.

“Hindi na po ako ang tatayong kinatawan ng bayan sa Senado.

“Isang huwad na anyo ko na lamang ang tatayo doon. Para ko na rin pong ibinaon ang aking sariling pagkatao.

“Mas nanaisin ko na kayo at inyong gobyerno ang magbaon sa akin kaysa ako ang magbaon sa aking sarili.”

Dagdag pa niya, “Alam ko pong may mga kaso kayong hinahanda laban sa akin.

“Hihintayin ko na lamang na isampa ninyo ang mga reklamo at sa tamang panahon ko na po sasagutin, kung bibigyan ako ng pagkakataon ng inyong gobyerno na ipaliwanag ang aking sarili at ibigay ang aking panig.

“Matagal na po akong nakakatanggap ng mga impormasyon tungkol sa pag-imbento ng mga ebidensiya laban sa akin, at mga babala na sisiraan ako kung hindi ako tumigil sa tingin ninyong pagbatikos at pagpuna sa inyong pamamalakad.

“Hindi ko na lang pinansin ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buong akala ko na hindi kayo mismo ang magiging biktima ng sarili ninyong propaganda at social media operations.

“Sana po ay hindi pa sarado ang inyong isip na pakinggan muna ang aking panig, bago ninyo ipagpatuloy ang paninira sa aking pagkatao sa harap ng publiko at taumbayan.

“Kahit iyon lang po sana ay ibigay ninyo sa akin, ang pagkakataon na ipagtanggol ang aking sarili, lalo na po sa isang kalagayan na ang Pangulo na ng bansa ang nagdeklara na siya ang aking kalaban at personal na nag-aakusa sa akin.

“Pangulo po kayo. Senador lamang po ako. Patas na laban lamang po ang aking hinihingi.

“Sana ay ibigay ninyo sa akin ang ibinigay na rin naman ng batas at Konstitusyon sa kahit na kaninong naaakusahan sa ilalim ng ating sistemang pang-legal.

“I have always been loyal to my oath as a public servant. I am not the enemy here. Stop portraying me as one.”

THE MAIN ISSUE. Pero tila nakulangan ang aktres at PBA courtside reporter na si Erika Padilla sa naging pahayag ni Senator De Lima.

Hindi raw kasi nito sinagot ang akusasyon ng pangulo tungkol sa relasyon diumano niya sa kanyang driver at ang tungkol sa drug money.

Sunud-sunod ang naging tweets ni Erika tungkol dito:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN