Ces Drilon: Marcos family should stop their obsession to bury Marcos in Libingan ng mga Bayani

IMAGE Instagram (@cesdrilon)

Ces Drilon responds to bashers saying that former President Ferdinand Marcos should be buried at Libingan ng mga Bayani. The news anchor says we should celebrate integrity and honor, which Marcos didn't have.


Patuloy ang paninindigan ng ABS-CBN news anchor na si Ces Drilon na huwag paburan ang mungkahing ilibing ang diktador at dating pangulo na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kanyang Instagram post kamakalawa, sinagot ni Ces ang ilang netizens na pumapabor na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nagsimula ito nang mag-post ang news anchor ng isang report tungkol sa World War II veteran na si Conrado B. Rigor Sr.

Kuwento ni Ces, nakipag-ugnayan sa kanya ang pamilya ng pumanaw na sundalo upang basagin ang kanilang katahimikan tungkol sa pagharang ni Marcos na maikuwento ang kabayanihan ni Rigor sa Bessang Pass, at upang lumabas na bayani ang dating pangulo.

Ayon pa sa caption, si Marcos ang nagbigay ng eulogy ni Rigor noong 1960 dahil magkaibigan ang dalawa.

Kaibigan din ni Marcos ang asawa ni Rigor na si Erlinda.

Noong 1964 nailathala ang biography ni Marcos at iprinoklama siyang bayani ng Bessang Pass.

Nagsilbing sekretarya ni Marcos si Erlinda noon kaya siya nanahimik.

Pero dahil sa pagpayag ni Presidente Rodrigo Duterte na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, nagdesisyon ang mga kaanak ni Rigor na magsalita.

Buried here is one of the true heroes of Bessang Pass, the last stronghold of the Japanese in 1945. The family of WWII veteran Conrado B. Rigor Sr contacted me after seeing last week's interview with war historian Ricardo Jose. They wanted to break their silence on Ferdinand Marcos' seizure of their father's story of heroism in Bessang Pass and making it his own. In photo is Manuel, son of Col Rigor. Manuel says Marcos gave the eulogy during his father's burial in 1960. In 1964, Marcos' biography was published, proclaiming him a hero of Bessang Pass. Marcos, Rigor and his wife Erlinda were all college friends. Rigor's widow, Erlinda, also a mother of nine, eventually became Marcos' secretary, hence the family's silence. The government's move to bury Marcos in the Libingan ng mga Bayani made the family decide to speak up and issue an appeal.

A photo posted by Ces Drilon (@cesdrilon) on

Magkahalo ang mga komento sa nasabing Instagram post ni Ces. May mga sumasalungat sa kanya at mayroon ding sumasang-ayon.

May mga nagsabing mag-move on na sa isyu at payagan nang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.


Sinagot ito ni Ces.

Sabi niya, makakapag-move on lamang kung makakamit ang hustisya.

Dapat na rin daw itigil ng pamilya Marcos ang kanilang obsesyon na mailibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

“Moving on can only begin with justice and atonement.

“It is the Marcos family that should move on and stop their obsession to bury FM in the Libingan ng mga Bayani.

“We should celebrate integrity and honor it. It is so glaring that FM did not have it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN