HBO declines to air Pacquiao comeback fight

IMAGE Courtesy of Manny Pacquiao Facebook page

Tumanggi ang cable channel na HBO na iere ang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Jessie Vargas.


Hindi mapapanood sa HBO ang pagbabalik sa ring ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Pagkatapos ng official announcement ni Pacquiao ng kanyang laban kay Jessie Vargas sa November 5, 2016, kinumpirma naman ng Top Rank promoter na si Bob Arum na umayaw ang HBO na ipalabas ito.

Sabi ni Arum sa panayam sa kanya ng Ring TV, “Definitely it’s not going to be HBO.

“HBO had a contract and decided to pass because it was two weeks in front of their Ward-Kovalev fight.”

Maliban sa pagtanggi ng HBO na iere ang laban nina Pacquiao at Vargas, hindi rin ieere ng naturang cable network ang nababalitang rematch ni Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr., matuloy man ito o hindi.

Sa ngayon ay may planong makipag-usap si Arum sa ibang cable networks, tulad ng ESPN at Showtime, dahil sa pag-backout ng HBO.

“I haven’t spoken to them [Showtime]. But there would be no impediment to that.

“When I get back next week, Stephen [Espinoza] will be one of the guys I’m calling,” sabi ni Arum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN