GMA News reporter Mark Zambrano waited four years for girlfriend Aicelle Santos

IMAGE Aicelle Santos Instagram

GMA News reporter Mark Zambrano on finding love: "Sometimes you think you know how to love and you think you know what love really is, pero hindi, e. Minsan, what you're looking for is not what you need."


Hindi nahihiyang inamin ng GMA news reporter na si Mark Zambrano na apat na taon siyang walang girlfriend, pagkatapos ng huling breakup niya, dahil hinahanap daw niya ang babaeng karapat-dapat sa kanya.

Sa programang MARS ng GMA News TV, ikinuwento ni Mark na dumating na ang babaeng hinihintay niya — ang Kapuso singer/Traffic Diva na si Aicelle Santos.

Sabi nga ni Mark, “worth the wait” ang pagdating ni Aicelle sa buhay niya.

Lahad niya, “Before I met Aicelle, I was single for almost four years.

“So, by choice, wala talaga.

“Sabi ko, I’m too old to play games, and I’m too old to go through the shallow process of courting na best foot forward.

“Ayoko na nun. Sabi ko, I will wait kahit gaano katagal.”

Nais daw ibahagi ni Mark ang kanyang karanasang ito para sa mga kabataan ngayon na masyadong mapusok pagdating sa pag-ibig.

“Sometimes you think you know how to love and you think you know what love really is, pero hindi, e.

“Minsan, what you’re looking for is not what you need,” diin niya.

Si Mark nga raw ang madalas lapitan ng kanyang mga kaibigan kapag mayroon silang problema sa relasyon.

Ngayon, siya na lang ang natitirang bachelor sa barkada nila dahil nag-asawa na raw ang iba.

Kaya isang blessing daw para kay Mark ang pagdating ni Aicelle sa buhay niya.

BIRTHDAY GREETING. Noong August 11 ay nag-celebrate si Mark ng kanyang 39th birthday at nanguna ang kanyang “mahal” na si Aicelle sa pagbati sa kanya.

Ito ang post ni Aicelle sa kanyang Instagram account:

“My sweetest gigil kisses will only be for you. Happy birthday mahal ko! Mahal na mahal na mahal kita @markzambrano!”

Nag-post din si Mark sa IG ng kanyang pasasalamat sa mga bumati sa kanya, kalakip ang larawan nila ni Aicelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng GMA News reporter, “To all who were a part of the blessed 39 years of my life, thank you.

“To all who are still part of it, thank you. And to all who will soon join me in this journey, I embrace you. I am because of you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN